1Sinasabi ko ang katotohanang na kay Cristo; hindi ako nagsisinungaling, ito'y pinatotohanan ng aking budhi sa pamamagitan ng Espiritu Santo,
2na mayroon akong malaking kalungkutan at walang tigil na kirot sa aking puso.
3Sapagkat mamagalingin ko pang ako ay sumpain at mawalay kay Cristo alang-alang sa aking mga kapatid, na aking mga kamag-anak ayon sa laman.
4Sila'y na inihanda para sa pagkawasak;
23upang maipakilala niya ang kayamanan ng kanyang kaluwalhatian sa mga kinaaawaan, na kanyang inihanda nang una pa para sa kaluwalhatian,
24maging sa atin na kanyang tinawag, hindi lamang mula sa mga Judio, kundi mula rin sa mga Hentil?
25GayaHos. 2:23 naman ng sinasabi niya sa Hoseas,
“Tatawagin kong ‘aking bayan’ ang hindi ko dating bayan;
at ‘minamahal’ ang hindi dating minamahal.”
26“AtHos. 1:10 mangyayari, na sa lugar na kung saan ay sinabi sa kanila, ‘Kayo'y hindi ko bayan,’
doon sila tatawaging ‘mga anak ng Diyos na buháy.’”
27AtIsa. 10:22, 23 (LXX) si Isaias ay sumisigaw tungkol sa Israel, “Bagaman ang bilang ng mga anak ng Israel ay maging tulad ng buhangin sa dagat, ang nalalabi lamang ang maliligtas:
28sapagkat mabilis at tiyak na isasagawa ng Panginoon ang kanyang salita sa lupa.”
29AtIsa. 1:9 (LXX) gaya ng sinabi nang una ni Isaias,
“Kung hindi nag-iwan sa atin ng isang binhi ang Panginoon ng mga hukbo,
tayo'y naging katulad sana ng Sodoma,
at naging gaya ng Gomorra.”
Ang Israel at ang Ebanghelyo30Ano nga ang ating sasabihin? Ang mga Hentil na hindi nagsumikap sa katuwiran ay nagkamit ng katuwiran, samakatuwid ay katuwiran sa pamamagitan ng pananampalataya;
31ngunit ang Israel na nagsusumikap sa katuwiran sa pamamagitan ng kautusan, ay hindi nakaabot sa pagsunod sa kautusang iyon.
32Bakit? Sapagkat hindi nila pinagsikapan iyon batay sa pananampalataya, kundi batay sa mga gawa. Sila'y natisod sa batong katitisuran,
33gaya ng nasusulat,
“Tingnan ninyo,Isa. 28:16 (LXX) inilalagay ko sa Zion ang isang batong ikabubuwal at batong katitisuran,
at ang sumasampalataya sa kanya'y hindi malalagay sa kahihiyan.”
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.