Pahayag 6 - Tagalog Meaning-Based Bible (2005)(MBB05)

Ang mga Selyo

1Nakita kong inalis ng Kordero ang una sa pitong selyo, at narinig kong kasinglakas ng kulog na sinabi ng isa sa apat na buháy na nilalang, “Halika!”

2At

4Isa Isang kabayong itim ang nakita ko at may hawak na timbangan ang nakasakay dito.

6May narinig akong parang isang tinig na nagmumula sa kinaroroonan ng apat na buháy na nilalang, na nagsabi, “Isang takal na trigo lamang ang mabibili ng sweldo sa maghapong trabaho at tatlong takal na harina lamang ang mabibili sa ganoon ding halaga. Ngunit huwag mong pinsalain ang langis ng olibo at ang alak!”

7Inalis ng Kordero ang pang-apat na selyo, at narinig kong sinabi ng pang-apat na buháy na nilalang, “Halika!”

8AtEze. 14:21. ang nakita ko nama'y isang kabayong may maputlang kulay. Ang pangalan ng nakasakay dito ay Kamatayan, at kasunod niya ang daigdig ng mga patay. Ibinigay sa mga ito ang kapangyarihan sa ikaapat na bahagi ng lupa upang pumatay sa pamamagitan ng digmaan, taggutom, salot, at mababangis na hayop.

9Inalis ng Kordero ang panlimang selyo, at nakita ko sa ilalim ng dambana ang mga kaluluwa ng mga pinatay dahil sa salita ng Diyos at dahil sa matapat na pagsaksi nila rito.

10Ubos-lakas silang sumigaw, “O Panginoong Makapangyarihan, banal at tapat! Huwag na po ninyong patagalin ang paghatol at pagpaparusa sa mga taong pumatay sa amin.”

11Binigyan ng puting kasuotan ang bawat isa sa kanila, at sinabi sa kanilang magpahinga nang kaunti pang panahon, hanggang sa mabuo ang bilang ng kanilang mga kapatid at kasamahan sa paglilingkod kay Cristo, na papatayin ding tulad nila.

12AtPah. 11:13; 16:18; Isa. 13:10; Joel 2:10; 3:4; 4:15; Mt. 24:29; Mc. 13:24-25; Lu. 21:25. inalis ng Kordero ang pang-anim na selyo. Lumindol nang malakas, ang araw ay nangitim na parang damit na panluksa at ang buwan ay naging kasimpula ng dugo.

13NalaglagIsa. 34:4. mula sa langit ang mga bituin, parang mga bubot na bunga ng igos kapag binabayo ng malakas na hangin.

14NaglahoPah. 16:20. ang langit na parang kasulatang inirolyo, at nawala sa kanilang dating kinalalagyan ang mga bundok at mga pulo.

15NagtagoIsa. 2:19, 21. sa mga yungib na bato ang mga hari sa lupa, ang mga gobernador, ang mga pinuno ng hukbo, ang mayayaman, ang makapangyarihan, at lahat ng tao, alipin man o malaya.

16AtHos. 10:8; Lu. 23:30. sinabi nila sa mga bundok at sa mga bato, “Tabunan ninyo kami para makubli kami sa mukha ng nakaupo sa trono, at makaiwas sa poot ng Kordero!

17SapagkatJoel 2:11; Mal. 3:2. dumating na ang malagim na araw ng pagbubuhos nila ng kanilang poot, at sino ang makakatagal?”

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help