Mga Bilang 34 - Tagalog Meaning-Based Bible (2005)(MBB05)

1Sinabi ni Yahweh kay Moises

2ang mga tagubilin para sa bansang Israel, “Pagpasok ninyo sa Canaan, ang lupaing ibinibigay ko sa inyo, ang mga hangganan ng inyong nasasakupan ay ang mga ito:

3Sa timog, ang ilang ng Zin na katapat ng Edom, ang dulo ng Dagat na Patay,

4ang daan paakyat sa Acrabim, ang Zin hanggang sa timog ng Kades-barnea, ang Hazaradar at ang Azmon,

5at ang Batis ng Egipto hanggang sa dagat.

6“Sa kanluran: ang Dagat Mediteraneo.

7“Sa hilaga: ang bahagi ng Dagat Mediteraneo, ang Bundok ng Hor,

8ang Hamat, ang Zedad;

9at ang Zifron hanggang Hazar-enan.

10“Sa silangan: mula sa Hazar-enan hanggang Sefam;

11ang Ribla, gawing silangan ng Ayin, ang baybayin ng Lawa ng Cineret,

12at ang Jordan hanggang sa Dagat na Patay. Ito ang mga hangganan ng inyong lupain.”

13SinabiBil. 26:52-56. Jos. 14:1-5. ni Moises sa mga Israelita, “Iyan ang lupaing ibibigay ni Yahweh sa siyam at kalahating lipi ng Israel; ang partihan ay dadaanin sa pamamagitan ng palabunutan.

14Ang mga lipi ni Ruben, ni Gad, at ang kalahati ng lipi ni Manases ay mayroon nang bahagi, at nahati na sa kani-kanilang sambahayan.

15Ito ay nasa silangan ng Jordan, sa tapat ng Jerico.”

Ang mga Namahala sa Paghahati ng Lupain

16Sinabi ni Yahweh kay Moises,

17“Ang paring si Eleazar at si Josue na anak ni Nun ang mamamahala sa pagpaparte sa lupain.

18Pumili ka rin ng isang pinuno sa bawat lipi para makatulong nila sa pagpaparte ng lupain.”

19-28Ito ang mga pinuno na napili ni Yahweh:

Lipi

Pinuno

Juda

Caleb na anak ni Jefune

Simeon

Selemuel na anak ni Amiud

Benjamin

Elidad na anak ni Cislon

Dan

Buqui na anak ni Jogli

Manases

Haniel na anak ni Efod

Efraim

Kemuel na anak ni Siftan

Zebulun

Elisafan na anak ni Parnah

Isacar

Paltiel na anak ni Azan

Asher

Ahiud na anak ni Selomi

Neftali

Pedael na anak ni Amiud

29Ang mga kalalakihang ito ang pinamahala ni Yahweh sa paghahati ng lupain ng Canaan na ibinigay niya sa Israel.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help