1 Mga Taga-Corinto 4 - Tagalog Meaning-Based Bible (2005)(MBB05)

Mga Apostol ni Cristo

1Dapat ninyong kilalanin na kami'y mga lingkod ni Cristo at katiwala ng mga hiwaga ng Diyos.

2Ang katiwala'y kailangang maging tapat sa kanyang panginoon.

3Walang anuman sa akin kung ako'y hatulan ninyo, o ng alinmang hukuman ng tao; ako man ay hindi humahatol sa aking sarili.

4Kahit Ang mga prinsipyo ring iyan ang itinuturo ko sa bawat iglesya sa lahat ng dako.

18Nagmamalaki ang ilan sa inyo dahil ang akala nila'y hindi na ako pupunta riyan.

19Ngunit kung loloobin ng Panginoon, ako'y pupunta riyan sa lalong madaling panahon. Titingnan ko kung anong kapangyarihan ang ipinagmamalaki ng mga iyan, at hindi lamang ang kanilang sinasabi.

20Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay hindi sa salita, kundi sa kapangyarihan.

21Ano bang gusto ninyo? Pupunta ba akong may dalang pamalo, o taglay ang diwa ng pag-ibig at kahinahunan?

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help