Mga Gawa 7 - Tagalog Meaning-Based Bible (2005)(MBB05)

Ang Talumpati ni Esteban

1Si Esteban ay tinanong ng pinakapunong pari, “Totoo ba ang lahat ng ito?”

2Sumagot nang panahong iyon.

19Dinaya ng Israel.

47Ngunit1 Ha. 6:1-38; 2 Cro. 3:1-17. si Solomon na ang nagtayo ng tahanang iyon.

48“Gayunman, ang Kataas-taasang Diyos ay hindi naninirahan sa mga bahay na ginawa ng tao. Sabi nga ng propeta,

49‘AngIsa. 66:1-2. langit ang aking trono,’ sabi ng Panginoon,

‘at ang lupa ang aking tuntungan.

Ano pang bahay ang itatayo ninyo para sa akin,

o anong lugar ang pagpapahingahan ko?

50Hindi ba't ako ang gumawa ng lahat ng ito?’

51“NapakatigasIsa. 63:10. ng ulo ninyo! Ayaw ninyong magbago ng inyong kalooban! Ayaw ninyong dinggin ang katotohanang mula sa Diyos! Kung ano ang ginawa ng inyong mga ninuno, iyon din ang ginagawa ninyo ngayon; lumalaban kayong lagi sa Espiritu Santo.

52Sinong propeta ang hindi inusig ng inyong mga ninuno? Pinatay nila ang mga nagpapahayag tungkol sa pagparito ng Matuwid na inyo namang pinagtaksilan at ipinapatay.

53Tinanggap ninyo ang kautusang ibinigay ng Diyos sa pamamagitan ng mga anghel, ngunit hindi naman ninyo ito sinusunod.”

Ang Pagbato kay Esteban

54Nagalit kay Esteban ang buong Sanedrin nang marinig iyon at nagngitngit sila laban sa kanya.

55Ngunit si Esteban, na puspos ng Espiritu Santo, ay tumingala sa langit, at nakita niya ang kaluwalhatian ng Diyos at si Jesus na nakatayo sa kanan ng Diyos.

56Kaya't sinabi niya, “Nakikita kong bukás ang kalangitan, at ang Anak ng Tao na nakatayo sa kanan ng Diyos.”

57Tinakpan nila ang kanilang tainga at nagsigawan; pagkatapos, sabay-sabay nilang sinugod si Esteban

58at kinaladkad palabas ng lunsod upang batuhin. Inilagay ng mga saksi ang kanilang mga balabal sa paanan ng isang binatang nagngangalang Saulo.

59At pinagbabato nila si Esteban, na nananalangin naman ng ganito: “Panginoong Jesus, tanggapin mo po ang aking espiritu.”

60Lumuhod si Esteban at sumigaw nang malakas, “Panginoon, huwag mo po silang pananagutin sa kasalanang ito!”

At pagkasabi nito, siya'y namatay.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help