Mga Awit 123 - Tagalog Meaning-Based Bible (2005)(MBB05)

1Ang aking pangmasid doon nakatuon,

sa luklukang trono mo, O Panginoon.

2Tulad ko'y aliping ang inaasahan

ay ang amo niya para sa patnubay,

kaya tuluy-tuloy ang aming tiwala,

hanggang ikaw, Yahweh, sa ami'y maawa.

3Mahabag ka, Yahweh, kami'y kaawaan,

labis na paghamak aming naranasan.

4Kami'y hinahamak ng mga mayaman,

laging kinukutya kahit noon pa man ng mapang-aliping taong mayayabang.

Ang Diyos ang Tagapagtanggol ng Kanyang Bayan

Isang Awit ng Pag-akyat upang Sumamba; katha ni David.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help