Ecclesiastico 33 - Tagalog Meaning-Based Bible (2005)(MBB05)

1Hindi mapapahamak kailanman ang may takot sa Panginoon;

sa lahat ng pagsubok siya'y laging maliligtas.

2Ang taong marunong ay di napopoot sa Kautusan,

ngunit ang tumutupad nito nang paimbabaw ay parang bangkang hinampas ng bagyo.

3Ang

at napuno ko pa rin ang aking mga pisaan, gaya ng mga naunang namitas.

17Alalahanin ninyong ito'y hindi ko ginawa para sa aking sarili lamang,

kundi alang-alang sa lahat ng naghahangad matuto ng mabuting aral.

18Kaya makinig kayo, mga pinuno ng bayan,

kayo, mga namamahala sa kapulungan, pag-isipan ninyo ito.

Manatiling Malaya

19Habang ikaw ay nabubuhay pa dito sa daigdig,

huwag mong ipagkatiwala ang buhay mo kaninuman, maging sa asawa, anak, o kaibigan.

At huwag mo ring ipamigay na lahat ang iyong ari-arian.

Baka ka magsisi at mapilitang magmakaawa sa ari-ariang iyong ibinigay.

20Habang ikaw ay may hininga,

huwag mong ipailalim ang buhay mo sa iba.

21Mas mabuti na ang mga anak mo ang humingi sa iyo,

kaysa ikaw ang magmakaawa sa kanila.

22Magsikap ka sa lahat mong kabuhayan,

at huwag mong dudungisan ang iyong karangalan.

23At sa wakas ng iyong buhay, kapag ika'y naghihingalo na,

saka mo ipamana ang lahat mong ari-arian.

Tungkol sa mga Alipin

24Ang asno'y dapat bigyan ng kumpay, karga, at latigo;

ang alipin nama'y dapat bigyan ng pagkain, disiplina at trabaho.

25Pagawain mo nang husto ang iyong alipin upang matahimik ang loob mo;

kapag siya'y walang gawain, malamang na makaisip ng paglaya.

26Singkaw at pamatok ang pampasuko sa toro;

parusa ng berdugo ang pansupil sa masamang alipin.

27Pamalagiin mo siyang abala sa gawain;

sapagkat ang walang ginagawa ay nakakaisip ng masama.

28Pagtrabahuhin mo siya, doon siya nakatalaga,

at kung hindi sumunod, tanikalaan mo siya.

29Ngunit huwag kang magmamalabis kaninuman,

at huwag gagawa ng anumang labag sa katarungan.

30Kung mayroon kang alipin, mahalin mo siyang gaya ng iyong sarili,

sapagkat pinaghirapan mo ang salaping ibinili sa kanya.

31Ituring mo siyang parang kapatid,

sapagkat kailangan mo siya gaya ng iyong sarili.

Kung maging malupit ka sa kanya at siya'y lumayas,

saang panig ng daigdig mo siya hahanapin?

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help