Mga Awit 67 - Tagalog Meaning-Based Bible (2005)(MBB05)

Awit ng PagpapasalamatIsang Awit na kinatha upang awitin ng Punong Mang-aawit: sa saliw ng mga instrumentong may kuwerdas.

1O Diyos, pagpalain kami't kahabagan,

kami Panginoo'y iyong kaawaan, (Selah)

2upang sa daigdig mabatid ng lahat

ang iyong kalooban at ang pagliligtas.

3Purihin ka nawa ng lahat ng tao,

purihin ka nila sa lahat ng dako.

4Nawa'y purihin ka ng mga nilikha,

pagkat matuwid kang humatol sa madla;

ikaw ang patnubay ng lahat ng bansa. (Selah)

5Purihin ka nawa ng lahat ng tao,

purihin ka nila sa lahat ng dako.

6Nag-aning mabuti ang mga lupain,

pinagpala kami ni Yahweh, Diyos namin!

7Magpatuloy nawa iyong pagpapala

upang igalang ka ng lahat ng bansa.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help