Amos 1 - Tagalog Meaning-Based Bible (2005)(MBB05)

1Ang2 Ha. 15:1-7; 2 Cro. 26:1-23; 2 Ha. 14:23-29. aklat na ito ay naglalaman ng mga pahayag ni Amos, isang pastol na taga-Tekoa. Ang mga bagay na tungkol sa Israel ay ipinahayag sa kanya ng Diyos dalawang taon bago lumindol. Si Uzias noon ang hari ng Juda, at si Jeroboam namang anak ni Joas ang hari ng Israel.

2SinabiJoel 4:16. ni Amos,

“Dumadagundong mula sa Bundok ng Zion ang tinig ni Yahweh,

mula sa Jerusalem ang kanyang tinig ay naririnig.

Natutuyo ang mga pastulan,

nalalanta pati ang mga damo sa Bundok Carmel.”

Paghatol sa mga Karatig-bansa ng IsraelSa Siria

3GanitoIsa. 17:1-3; Jer. 49:23-27; Zac. 9:1. ang sabi ni Yahweh:

“Paulit-ulit na nagkasala ang mga taga-Damasco,

kaya sila'y paparusahan ko.

Pinagmalupitan nila ang Gilead,

dinurog nila ito sa giikang bakal.

4Susunugin ko ang palasyo ni Hazael,

at tutupukin ko ang mga tanggulan ni Ben-Hadad.

5Wawasakin ko ang pintuan ng Lunsod ng Damasco;

pupuksain ko ang mga taga libis ng Aven,

pati ang may hawak ng setro sa Beth-eden;

ang mga taga-Siria naman ay dadalhing-bihag sa Kir.”

Sa Filistia

6GanitoIsa. 14:29-31; Jer. 47:1-7; Eze. 25:15-17; Joel 4:4-8; Zef. 2:4-7; Zac. 9:5-7. ang sabi ni Yahweh:

“Paulit-ulit na nagkasala ang mga taga-Gaza,

kaya sila'y paparusahan ko.

Binihag nila ang isang bansa

at ipinagbili sa mga taga-Edom.

7Susunugin ko ang mga pader ng Gaza;

tutupukin ko ang mga tanggulan doon.

8Aalisin ko ang mga pinuno ng Asdod,

at ang may hawak ng setro sa Ashkelon.

Hahanapin ko ang Ekron,

at lilipulin ko ang mga Filisteo roon.”

Sa Tiro

9GanitoIsa. 23:1-18; Eze. 26:1–28:19; Joel 4:4-8; Zac. 9:1-4; Mt. 11:21-22; Lu. 10:13-14. ang sabi ni Yahweh:

“Paulit-ulit na nagkasala ang mga taga-Tiro,

kaya sila'y paparusahan ko.

Ipinagbili nila sa Edom ang libu-libo nilang bihag;

sinisira nila ang kasunduan ng pagkakapatiran.

10Susunugin ko ang mga pader ng Tiro;

tutupukin ko ang mga palasyo roon.”

Sa Edom

11GanitoIsa. 34:5-17; 63:1-6; Jer. 49:7-22; Eze. 25:12-14; 35:1-15; Oba. 1-14; Mal. 1:2-5. ang sabi ni Yahweh:

“Paulit-ulit na nagkasala ang mga taga-Edom,

kaya sila'y paparusahan ko.

Hinabol nila ng tagâ ang mga kapatid nilang Israelita

at hindi sila naawa kahit bahagya.

Hindi naglubag ang kanilang poot kailanman.

12Susunugin ko ang Teman,

tutupukin ko naman ang mga tanggulan sa Bozra.”

Sa Ammon

13GanitoJer. 49:1-6; Eze. 21:28-32; 25:1-7; Zef. 2:8-11. ang sabi ni Yahweh:

“Paulit-ulit na nagkasala ang mga taga-Ammon,

kaya sila'y paparusahan ko.

Sa labis nilang kasakiman sa lupain,

nilaslas nila ang tiyan ng mga buntis sa Gilead.

14Susunugin ko ang mga pader sa Rabba;

tutupukin ko ang mga tanggulan doon.

Magsisigawan sila sa panahon ng labanan;

mag-aalimpuyo ang labanan tulad ng isang bagyo.

15Mabibihag ang kanilang hari,

gayundin ang kanyang mga tauhan.”

Sa Moab
Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help