1 Mga Cronica 11 - Tagalog Meaning-Based Bible (2005)(MBB05)

Naging Hari si David(2 Sam. 5:1-10)

1Ang buong sambayanang Israel ay nagpunta kay David sa Hebron. “Kami ay dugo ng iyong dugo at laman ng iyong laman,” sabi nila.

2“Nang panahong hari si Saul, pinangunahan mo ang hukbo ng Israel sa pakikipaglaban, at ibinabalik mo silang muli. Sinabi sa iyo ni Yahweh na iyong Diyos ang ganito: ‘Ikaw ang magiging pastol ng aking bayang Israel. Ikaw ang mamumuno sa kanila.’”

3Lahat ng pinuno ng Israel ay pumunta sa Hebron, at sa harapan ni Yahweh ay gumawa si David ng kasunduan sa kanila. Binuhusan nila ito ng langis, at itinanghal na hari ng Israel. Kaya't natupad ang sinabi ni Yahweh sa pamamagitan ni Samuel.

4Ang Kahit nag-iisa, nakapatay siya ng 300 kaaway sa pamamagitan lamang ng kanyang sibat.

12Ang pangalawa'y si Eleazar, isa sa tinaguriang Tatlo. Siya'y anak ni Dodo na isang Ahohita.

13Si Eleazar ang kasama ni David sa Pas-dammim nang mapalaban sila sa mga Filisteo sa isang bukid ng sebada. Natakot noon ang mga Israelita, at sila'y tumakas.

14Ngunit tumayo si Eleazar sa gitna ng bukid at nakipaglaban. Sa ginawang ito, napatay niya ang mga Filisteo at nagtagumpay sa tulong ni Yahweh.

15Minsan, nang ang mga Filisteo'y nagkakampo sa kapatagan ng Higante, tatlo sa tatlumpung mga pinuno ng Israel ang bumabâ sa kampo ni David, malapit sa yungib ng Adullam.

16Noo'y nasa isang kuta si David; nasakop naman ng isang pangkat ng mga Filisteo ang Bethlehem.

17Minsa'y buong pananabik na nasabi ni David, “May magbigay sana ng tubig sa akin mula sa balon sa tabi ng pintuang papasok sa Bethlehem!”

18Nang marinig ito, sumugod agad ang tatlong magigiting na kawal, lumusot sa hanay ng mga Filisteo at kumuha nga ng tubig. Ngunit hindi ito ininom ni David. Sa halip, ibinuhos niya ito bilang handog kay Yahweh.

19Sinabi niya, “Hindi ko maiinom ito sapagkat para nang dugo nila ang aking ininom. Buhay ang itinaya nila sa pagkuha nito!” Ito ang isa sa mga kagitingang ginawa ng Tatlo.

20Si Abisai na kapatid ni Joab ay nakapatay ng tatlong daang kaaway sa pamamagitan ng sibat, kaya lalo siyang kinilala ng Bantog na Tatlumpu na kanyang pinamumunuan.

21Siya ang pinakamatapang sa Tatlumpu kaya naging pinuno ng mga ito. Ngunit hindi niya napantayan ang Tatlong mandirigma.

22Kabilang din sa mga kinilalang kawal si Benaias na anak ni Joiadang taga-Kabzeel. Siya naman ang pumatay sa dalawang mandirigma sa Moab, at lumusong sa balon minsang taglamig at pumatay sa leong naroon.

23Siya rin ang pumatay sa higanteng Egipcio na dalawa't kalahating metro ang taas at may armas na isang sibat na ang hawakan ay napakalaki. Sinagupa niya ito na ang hawak lamang niya'y batuta, ngunit naagaw niya ang sibat. Ito na rin ang ginamit niya sa pagpatay sa higante.

24Dahil sa mga ginawang ito, siya'y nakilala rin, tulad ng Tatlo.

25Nangunguna siya sa Tatlumpu, ngunit hindi rin niya nahigitan ang kagitingan ng Tatlo. Siya ang ginawa ni David na pinuno ng kanyang mga bantay.

26-47Ito pa ang ilan sa mga magigiting na kawal ni David:

Asahel, kapatid ni Joab

Elhanan, anak ni Dodo na mula sa Bethlehem

Samot na taga-Harod

Helez na taga-Pelet

Ira, anak ni Iques na taga-Tekoa

Abiezer na taga-Anatot

Sibecai na taga-Husa

Ilai na taga-Aho

Maharai na taga-Netofa

Heled, anak ni Baana na taga-Netofa rin

Itai, anak ni Ribai na taga-Gibea sa Benjamin

Benaias na taga-Piraton

Hurai na mula sa kapatagan ng Gaas

Abiel na taga-Arba

Azmavet na taga-Bahurim

Eliaba na taga-Saalbon

Hasem na taga-Gizon

Jonatan, anak ni Sage na taga-Arar

Ahiam, anak ni Sacar na taga-Arar din

Elifal, anak ni Ur

Hefer na taga-Mequera

Ahias na taga-Pelon

Hezro na taga-Carmel

Naarai, anak ni Ezbai

Joel, kapatid ni Natan

Mibhar, anak ni Hagri

Zelec na taga-Ammon

Naarai na taga-Berot, tagadala ng sandata ni Joab

Ira at Gareb na taga-Jatir

Urias na Heteo

Zabad, anak ni Ahlai

Adina, anak ni Siza na isang pinuno sa angkan ni Ruben at may sariling pangkat ng tatlumpung tao

Hanan, anak ni Maaca

Joshafat na taga-Mitan

Uzias na taga-Asterot

Sammah at Jeiel, mga anak ni Hotam na taga-Aroer

Jediael at Joha, mga anak ni Simri na taga-Tiz

Eliel na taga-Mahava

Jeribai at Josavia, mga anak ni Elnaam

Itma na taga-Moab

Eliel, Obed, at Jasael na mga taga-Zoba.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help