1Ang aklat na ito ay kasaysayan ni Tobit na anak ni Tobiel at apo ni Hananiel, na anak naman ni Aduel. Si Aduel ay anak ni Gabael at apo ni Rafael na anak ni Raguel. Si Raguel ay mula sa angkan ni Asiel na mula naman sa lipi ni Neftali.
2Noong sa mga ulila, sa mga balo, at sa mga taga-ibang bayan na kasama na ng mga Israelita. Nagsasalu-salo kami bilang pagsunod sa Kautusan ni Moises, na itinuro sa akin ni Debora, ina ng aking lolong si Hananiel, upang tupdin. Ulila na ako sapagkat patay na ang aking amang si Tobiel.
Ang Katapatan ni Tobit sa Panahon ng Pagkabihag9Pagsapit ko sa sapat na gulang ay nag-asawa ako. Napangasawa ko si Ana na kabilang din sa aming lahi. Si Tobias ang aming naging anak.
10Nang ako'y dalhing-bihag sa Asiria, tumira ako sa Nineve. Doon, ang mga kapatid ko't kamag-anak ay natuto na ring kumain ng pagkain ng mga Hentil,
11ngunit ako'y nakapagpigil sa sarili.
12Dahil sa aking katapatan sa Kataas-taasang Diyos,
13niloob ng Kataas-taasang Diyos na ako'y kagiliwan ni Haring Salmaneser. Ako ang pinagkatiwalaan niyang maging tagabili ng lahat ng kanyang pangangailangan.
14Dahil dito, madalas akong nagpupunta sa Media para mamili roon ng kanyang mga kagamitan. Minsan nang ako'y nasa Rages, Media, inilagak ko sa kamag-anak kong si Gabael na kapatid ni Gabrias ang ilang supot ng salaping pilak.
15Nang mamatay si Salmaneser at maghari ang anak niyang si Senaquerib, tumigil na ako nang pagpunta sa Media sapagkat naging mapanganib na ang maglakbay papunta roon.
Inilibing ni Tobit ang mga Patay16Nang panahong namamahala pa si Salmaneser, ako'y nagkakawanggawa at naglilingkod sa aking mga kamag-anak at kababayan kapag sila'y nangangailangan.
17Pinapakain araw, pinatay si Haring Senaquerib ng dalawa niyang anak na lalaki at pagkatapos ay tumakas ang mga ito patungong kabundukan ng Ararat. Pumalit sa hari ang anak niyang si Esarhadon at kinuha nitong katulong sa palasyo ang pamangkin kong si Ahikar na anak ni Hanael. Ginawa siyang tagapamahala ng kayamanan ng buong kaharian.
22Dahil kay Ahikar, nakabalik ako sa Nineve. Noon pa mang buhay si Haring Senaquerib ng Asiria, si Ahikar ay naglilingkod na sa palasyo bilang tagapaghanda ng inumin ng hari, tagapag-ingat ng pantatak, tagapamahala at ingat-yaman pa. Ang mga tungkulin ding nabanggit ang ipinagkatiwala sa kanya ng bagong hari. Dahil sa pamangkin ko si Ahikar, pinuri niya ako sa hari kaya't pinayagan ako ng hari na makabalik sa Nineve.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.
