Mga Awit 133 - Tagalog Meaning-Based Bible (2005)(MBB05)

Papuri sa Mapayapang PagkakaisaIsang Awit ng Pag-akyat upang Sumamba.

1Napakaligaya at kahanga-hanga sa ating pangmasid,

ang nagkakaisa't laging sama-sama na magkakapatid!

2Langis ng olibo, ang nakakatulad at nakakawangis,

sa ulo at balbas nitong si Aaron kapag ipinahid,

umaagos ito't nababasa pati ang suot na damit.

3Katulad din nito'y hamog sa umaga, sa Bundok ng Hermon,

hamog na dumilig sa dakong maburol na Bundok ng Zion;

sa lugar na ito, nangako si Yahweh,

ang pangakong buhay na mananatili.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help