Mga Awit 53 - Tagalog Meaning-Based Bible (2005)(MBB05)

Ang Kasamaan ng Tao (Awit 14)Isang Maskil ni David, upang awitin ng Punong Mang-aawit; sa saliw ng Mahalath.

1SinabiRo. 3:10-12. ng hangal

sa kanyang sarili, “Wala namang Diyos!”

Wala nang matuwid

lahat nang gawain nila'y pawang buktot.

2Magmula sa langit

ang Diyos nagmamasid sa kanyang nilalang,

kung mayro'ng marunong

at tapat sa kanya na nananambahan.

3Ngunit kahit isa

ni isang mabuti ay walang nakita,

lahat ay lumayo

at naging masama, lahat sa kanila.

4Ang tanong ng Diyos

“Sila ba'y mangmang at walang kaalaman?

Ayaw manalangin,

kaya't bayan ko'y pinagnanakawan.”

5Subalit darating

ang di pa nadaranas nilang pagkatakot,

pagkat ang kalansay

ng mga kaaway, ikakalat ng Diyos,

sila'y itatakwil,

magagapi sila nang lubos na lubos.

6Ang aking dalangi'y

dumating sa Israel ang iyong pagliligtas

na mula sa Zion!

Kung ang bayan ng Diyos ay muling umunlad,

ang angkan ni Jacob,

bayan ng Israel, lubos na magagalak!

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help