Ecclesiastico 47 - Tagalog Meaning-Based Bible (2005)(MBB05)

Si Natan

1Pagkatapos, ng kanyang bayan.

6Kaya't tinawag siyang “ang nagwagi sa sampu-sampung libo,”

at noong igawad sa kanya ang korona ng pagkahari,

ipinagdiwang siya ng bayan sapagkat hinirang siya ng Panginoon.

7Nilipol niya ang mga kaaway na Filisteo

winasak ang kanilang kapangyarihan, hanggang sa panahong ito.

8Nagpasalamat siya sa Diyos, sa lahat niyang nagawa;

sa Kataas-taasan at Kabanal-banalan niya iniukol ang karangalan.

Kumatha siya ng mga awit na nagmumula sa kaibuturan ng puso,

upang ipakilala ang pag-ibig niya sa Maykapal.

9Naglagay siya ng mga mang-aawit at manunugtog,

upang umawit sa harap ng dambana sa saliw ng mga alpa.

10Pinaringal niya ang pagdiriwang ng mga pista,

at itinakda ang kanilang mga araw sa loob ng isang taon;

kaya nga, umalingawngaw sa tahanan ng Panginoon ang papuri sa kanyang banal na pangalan,

mula sa pagbubukang-liwayway hanggang sa paglubog ng araw.

11Pinatawad siya ng Panginoon sa kanyang mga kasalanan,

at ibinigay sa kanya ang kapangyarihan magpakailanman.

Iginawad sa kanya ang korona ng pagkahari

at ipinangako sa kanyang angkan ang trono ng Israel.

Si Solomon

12Ang humalili sa kanya ay isang marunong na anak,

na dahil sa kanya'y namuhay nang matiwasay.

13Naging

15Ang kapangyarihan ng katalinuhan mo'y lumaganap sa buong daigdig

at nakilala sa lahat ng dako ang iyong mga salawikain.

16Nabantog ang pangalan mo sa malalayong lupain,

at minahal ka ng lahat dahil sa mapayapa mong paghahari.

17Hinangaan sa buong daigdig ang iyong mga salawikain,

ang iyong mga awit, kawikaan at paliwanag.

18Sa1 Ha. 10:21, 27. ngalan ng Panginoong Diyos,

na tinatawag ding Diyos ng Israel,

nagtipon ka ng napakaraming ginto at pilak

na para bang lata o tingga sa kasaganaan.

19Ngunit1 Ha. 11:1. labis na nabuhos ang loob mo sa mga babae,

at binayaan mong alipinin ka ng kanilang alindog.

20Sa gayon, dinungisan mo ang iyong karangalan

at nabatikan ang pangalan ng iyong angkan.

Dahil sa iyo, naparusahan ang iyong mga anak,

at dinulutan ng kapighatian ang buong kaharian.

21Dahil1 Ha. 12:15-20. sa iyo, nahati ang kaharian ng Israel;

lumitaw ang Efraim, ang bahaging mapanghimagsik.

22Subalit2 Sam. 7:15. walang katapusan ang pagkahabag ng Diyos

at hindi siya sumisira sa kanyang pangako.

Hindi niya lilipulin ang lahi ng kanyang hinirang

at hindi niya wawakasan ang kanyang angkan.

Kaya't pinanatili niya ang lahi ni Israel,

nagtira siya ng supling sa angkan ni David.

Si Rehoboam at si Jeroboam

23Namatay1 Ha. 11:43; 12:10-30; 2 Ha. 17:6, 18. si Solomon tulad ng kanyang mga ninuno,

at si Rehoboam na anak niya ang humalili sa kanya.

Ngunit ito'y isang hangal, kapos sa katalinuhan,

at dahil sa kanyang palakad, nag-aklas ang bayan.

Sa pamumuno ni Jeroboam na anak ni Nebat,

nagkasala ang Israel at nagpakasama ang Efraim.

24-25Dumating sa sukdulan ang kanilang kasamaan,

gumawa sila ng lahat ng uri ng kasalanan,

hanggang sa bumagsak sa kanila ang parusa ng Diyos

at itinapon sila sa ibang lupain.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help