Isaias 7 - Tagalog Meaning-Based Bible (2005)(MBB05)

Unang Babala kay Ahaz

1Nang at salubungin ninyo si Ahaz. Matatagpuan ninyo siya sa may dulo ng padaluyan ng tubig mula sa tipunan ng tubig sa itaas, sa daang patungo sa dakong Bilaran ng Tela.

4Ganito ang sabihin mo sa kanya: ‘Humanda ka! Huwag matakot at mabagabag. Huwag kang masisiraan ng loob dahil sa nag-aalab na poot ni Rezin ng Siria at ni Peka na anak ni Remalias; ang dalawang iyon ay parang dalawang putol ng kahoy na umuusok ngunit walang apoy.’

5Nagbalak ng masama laban sa iyo ang Siria, ang Israel at ang anak ni Remalias, at kanilang sinabi:

6‘Lusubin natin ang Juda,

at sakupin ang Jerusalem.

Gagawin nating hari doon ang anak ni Tabeel.’

7Ngunit sinabi ng Panginoong Yahweh, “Hindi ito mangyayari.

8Sapagkat ang Siria'y mas mahina kaysa Damasco na punong-lunsod niya,

at ang Damasco'y mas mahina kaysa kay Haring Rezin.

Ang Israel naman ay mawawasak sa loob ng animnapu't limang taon,

at hindi na ito ibibilang na isang bayan.

9Malakas pa kaysa Israel ang lunsod ng Samaria na punong-lunsod nito,

at ang Samaria ay mas mahina kaysa kay Haring Peka.

Ikaw ay mabubuwal kapag hindi naging matatag ang iyong pananalig sa Diyos.”

Ang Palatandaan ng Emmanuel

10Muling nagsalita si Yahweh kay Ahaz:

11“Humingi ka ng palatandaan kay Yahweh na iyong Diyos, maging ito ay buhat sa malalim na libingan o sa kaitaasan ng langit.”

12Ngunit sinabi ni Ahaz: “Hindi po ako hihingi. Hindi ko po susubukin si Yahweh.”

13At sinabi ni Isaias:

“Makinig kayo, sambahayan ni David!

Hindi pa ba sapat na subukin ninyo ang pagtitiis ng mga tao,

at pati ang pagtitiis ng aking Diyos ay inyong sinusubok?

14Dahil

at magsisilang ng isang sanggol na lalaki

at tatawagin sa pangalang Emmanuel.

15Gatas at pulot ang kanyang kakainin

kapag marunong na siyang umiwas sa masama at gumawa ng mabuti.

16Sapagkat bago matuto ang bata na umiwas sa masama

at gumawa ng mabuti,

ang lupain ng dalawang haring kinatatakutan mo ay wawasakin.

17Ikaw at ang iyong bayan, pati na ang sambahayan ng iyong ama

ay ipapasakop ni Yahweh sa hari ng Asiria.

Pagdaranasin ka nito ng paghihirap na kailanma'y hindi mo pa nararanasan

mula nang humiwalay ang Efraim sa Juda.

18Sa panahon ding iyon, tatawagin ni Yahweh ang mga Egipcio

na parang mga langaw mula sa malalayong batis ng Ilog Nilo,

at ang mga taga-Asiria na gaya ng mga pukyutan.

19Darating ang mga ito at maninirahan sa matatarik na bangin,

sa mga lungga ng malalaking bato,

at sa lahat ng dawagan at mga pastulan.

20Sa araw na iyon, ang Panginoon ay uupa

ng mang-aahit mula sa kabila ng Ilog Eufrates—ang hari ng Asiria!

Aahitin niya ang buhok mo sa ulo pati na ang iyong balbas

at gayundin ang balahibo mo sa buong katawan.

21Sa araw na iyon ang bawat tao ay mag-aalaga

ng isang dumalagang baka at dalawang tupa.

22Sa dami ng gatas na makukuha,

ang lahat ng natira sa lupain ay mabubuhay sa gatas at pulot.

23Sa panahong iyon ang ubasang noo'y may isang libong punong ubas

na nagkakahalaga ng isang libong salaping pilak

ay magiging dawagan at puro tinikan.

24May dalang palaso at pana ang papasok doon,

sapagkat ang buong lupain ay mapupuno ng mga tinik at dawag.

25Wala nang pupunta doon upang magbungkal ng lupa

sapagkat mga tinik ay sanga-sanga na.

Pagpapastulan na lamang iyon ng mga baka at tupa.”

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help