Mga Awit 32 - Tagalog Meaning-Based Bible (2005)(MBB05)

Paghahayag ng Kasalanan at KapatawaranKatha ni David; isang Maskil.

1Mapalad

5Kaya't ang kasalanan ko'y aking inamin;

mga pagkakamali ko'y hindi na inilihim.

Ako'y nagpasyang sa iyo'y ipagtapat,

at mga sala ko'y pinatawad mong lahat. (Selah)

6Kaya ang tapat sa iyo ay dapat manalangin,

sa oras ng kagipitan, ikaw ang tawagin,

at sa bugso ng baha'y di sila aabutin.

7Ikaw ang aking lugar na kublihan;

inililigtas mo ako sa kapahamakan.

Aawitin ko nang malakas,

pag-iingat mo't pagliligtas. (Selah)

8Ang sabi ni Yahweh, “Aakayin kita sa daan,

tuturuan kita at laging papayuhan.

9Huwag kang tumulad sa kabayo, o sa mola na walang pang-unawa,

na upang sumunod lang ay hahatakin pa ang renda.”

10Labis na magdurusa ang taong masama,

ngunit ang tapat na pag-ibig ni Yahweh

ang mag-iingat sa sinumang nagtitiwala sa kanya.

11Lahat ng tapat kay Yahweh, magalak na lubos,

dahil sa taglay nilang kabutihan ng Diyos;

sumigaw sa galak ang lahat ng sa kanya'y sumusunod!

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help