Joel 3 - Tagalog Meaning-Based Bible (2005)(MBB05)

Hahatulan ni Yahweh ang mga Bansa

1Sinabi ni Yahweh,

“Pagsapit ng araw na iyon,

pasasaganain kong muli ang Juda at ang Jerusalem.

2Titipunin ko ang lahat ng bansa

at dadalhin sa Libis ng Jehoshafat.

Doon ko sila hahatulan

ayon sa ginawa nila sa aking bayan.

Pinangalat nila sa iba't ibang bansa ang mga Israelita

at pinaghati-hatian ang aking lupain.

3Nagpalabunutan sila upang magpasya

kung kanino mapupunta ang mga bihag.

Ipinagbili nila ang mga bata bilang mga alipin

upang ang pinagbilhan ay ibili naman ng alak at ibayad sa mga babaing parausan.

4“Ano

6Binihag ninyo at inilayo sa kanilang bayan ang mga mamamayan ng Juda at Jerusalem at ipinagbili sa mga Griego.

7Pauuwiin ko na sila mula sa mga dakong pinagtapunan ninyo sa kanila. Ipararanas ko naman sa inyo ang ginawa ninyo sa kanila.

8Ipagbibili ko ang inyong mga anak sa mga taga-Juda upang ipagbili naman nila sa mga Sabeo.” Iyan ang sinabi ni Yahweh.

9“Ipahayag mo ito sa mga bansa:

Humanda kayo sa isang digmaan.

Tawagin ninyo ang inyong mga mandirigma,

tipunin ninyong lahat ang inyong mga kawal at sumalakay kayo!

10Gawin ang lahat ng nasawi;

paparusahan ko ang sinumang nagkasala.

Ang Juda at ang Jerusalem ay pananahanan magpakailanman,

at ako ay mananatili sa Bundok ng Zion.”

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help