Mga Bilang 1 - Tagalog Meaning-Based Bible (2005)(MBB05)

Ang Unang Sensus sa Israel

1NoongBil. 26:1-51. unang araw ng ikalawang buwan matapos umalis sa Egipto ang sambayanang Israel, si Yahweh ay nangusap kay Moises habang siya'y nasa loob ng Toldang Tipanan na noo'y nasa ilang ng Sinai. Ang sabi ni Yahweh,

2“Magsagawa ka ng isang sensus. Bilangin at ilista ninyo ang pangalan ng buong sambayanan ng Israel ayon sa kani-kanilang angkan at lipi. Ilista ninyo ang lahat ng lalaki

3mula sa gulang na dalawampu pataas, lahat ng maaari nang lumaban sa digmaan. Magpatulong ka kay Aaron

4at sa pinuno ng bawat angkan.”

5-16Ito ang mga pinuno ng bawat lipi na tutulong sa iyo:

Lipi

Pinuno

Ruben

Elizur na anak ni Sedeur

Simeon

Selumiel na anak ni Zurisadai

Juda

Naason na anak ni Aminadab

Isacar

Nathanael na anak ni Zuar

Zebulun

Eliab na anak ni Helon

Efraim

Elisama na anak ni Amiud

Manases

Gamaliel na anak ni Pedazur

Benjamin

Abidan na anak ni Gideoni

Dan

Ahiezer na anak ni Amisadai

Asher

Pagiel na anak ni Ocran

Gad

Eliasaf na anak ni Deuel

Neftali

Ahira na anak ni Enan

17Ang mga taong nabanggit ay isinama nina Moises at Aaron,

18at noong unang araw ng ikalawang buwan, tinipon nila ang lahat ng Israelita. Itinala nila ang lahat ng lalaki mula sa gulang na dalawampu pataas, ayon sa kani-kanilang lipi.

19Ginawa nila ito sa ilang ng Sinai, ayon sa utos ni Yahweh.

20-43Ito ang kanilang naitala:

Lipi

Bilang

Ruben

46,500

Simeon

59,300

Gad

5,650

Juda

74,600

Isacar

54,400

Zebulun

57,400

Efraim

40,500

Manases

32,200

Benjamin

35,400

Dan

62,700

Asher

41,500

Neftali

53,400

44-45Lahat ng lalaki sa Israel mula sa dalawampung taon pataas at maaaring isama sa hukbo upang makidigma ay itinala nga nina Moises at Aaron. Sila ay tinulungan ng labindalawang pinuno na mula sa bawat lipi ng Israel.

46Ang kabuuang bilang ay 603,550.

Ang Paghirang sa mga Levita

47Ang mga Levita ay hindi kabilang sa sensus na ito

48sapagkat ganito ang bilin ni Yahweh kay Moises:

49“Huwag mong isasama sa sensus ng Israel ang mga Levita.

50Sa kanila mo ibibigay ang tungkulin ng paglilingkod sa Toldang Tipanan. Itatayo nila ang kanilang mga tolda sa paligid ng Toldang Tipanan at sila ang bubuhat nito pati ang mga kasangkapan nito.

51Kung kailangang tanggalin ang tabernakulo, sila ang magtatanggal at kung kailangang itayong muli, sila rin ang magtatayo. At sinumang lumapit sa tabernakulo liban sa kanila ay dapat patayin.

52Ang mga lipi ng Israel ay magtatayo ng kanya-kanyang tolda sa ilalim ng kani-kanilang watawat.

53Ang mga Levita naman ay magtatayo ng kanilang mga tolda sa paligid ng Toldang Tipanan para walang ibang makalapit dito, sapagkat kapag may ibang lumapit dito, tiyak na paparusahan ko ang buong Israel. Ang mga Levita nga ang mangangalaga sa Toldang Tipanan.”

54Ang lahat ng mga utos na ito ni Yahweh ay sinunod ng mga Israelita.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help