Mga Awit 143 - Tagalog Meaning-Based Bible (2005)(MBB05)

Panalangin Upang Tulungan ng DiyosAwit ni David.

1Dinggin mo, O Yahweh, ang aking dalangin,

tapat ka't matuwid, kaya ako'y dinggin.

2Itong

7Nawala nang lahat ang aking pag-asa,

kaya naman, Yahweh, ako'y dinggin mo na!

Kung ika'y magkubli, baka ang hantungan

ako ay ituring na malamig na bangkay,

at ang tunguhin ko'y madilim na hukay.

8Ako ay umasa, sa iyo nagtiwala, sa pagsapit ng umaga ay ipagugunita

yaong pag-ibig mo na lubhang dakila.

Ang aking dalangin na sa iyo'y hibik,

patnubayan ako sa daang matuwid.

9Iligtas mo ako sa mga kalaban,

ikaw lang, O Yahweh, ang aking kanlungan.

10Ikaw ang aking Diyos, ako ay turuan

na aking masunod ang iyong kalooban;

ang Espiritu mo'y maging aking tanglaw sa aking paglakad sa ligtas na daan.

11Ikaw ay nangakong ako'y ililigtas, pagkat dakila ka, iligtas mo agad;

iligtas mo ako sa mga bagabag.

12Dahilan sa iyong pagtingin sa akin, ang mga kaaway ko'y iyong lipulin;

ang nagpapahirap sa aki'y wasakin,

yamang ang lingkod mo ay iyong alipin.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help