Mga Bilang 2 - Tagalog Meaning-Based Bible (2005)(MBB05)

Ang Kampo at ang Pinuno ng Bawat Lipi

1Sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron:

2Ang mga Israelita'y magtatayo ng kanilang tolda sa paligid ng Toldang Tipanan sa labas ng hanay ng mga Levita, at bawat angkan ay sama-sama sa ilalim ng kanilang watawat.

3-8Sa gawing silangan magkakampo ang pangkat ng mga lipi ni Juda, Isacar, at Zebulun:

Lipi

Pinuno

Bilang

Juda

Naason na anak ni Aminadab

74,600

Isacar

Nathanael na anak ni Zuar

54,400

Zebulun

Eliab na anak ni Helon

57,400

9Ang kabuuan ng pangkat na ito ay 186,400. Sila ang mauuna sa bawat paglakad.

10-15Sa gawing timog naman magkakampo ang pangkat ng mga lipi nina Ruben, Simeon, at Gad:

Lipi

Pinuno

Bilang

Ruben

Elizur na anak ni Sedeur

46,500

Simeon

Selumiel na anak ni Zurisadai

59,300

Gad

Eliasaf na anak ni Deuel

45,650

16Ang kabuuan ng pangkat na ito ay 151,450. Ang pangkat na ito ang susunod sa pangkat na pangungunahan ng lipi ni Juda.

17Maging sa paglilipat ng Toldang Tipanan, ang pangkat ng mga Levita ay mananatili sa gitna ng ibang mga pangkat. Sa pagpapatuloy ng paglalakbay, mananatili ang bawat pangkat sa dating ayos sa ilalim ng kani-kanilang watawat.

18-23Sa gawing kanluran naman magkakampo ang pangkat ng mga lipi nina Efraim, Manases, at Benjamin:

Lipi

Pinuno

Bilang

Efraim

Elisama na anak ni Amiud

40,500

Manases

Gamaliel na anak ni Pedazur

32,200

Benjamin

Abidan na anak ni Gideoni

35,400

24Ang kabuuan ng pangkat na ito ay 108,100. Sila ang pangatlo sa hanay.

25-30At sa gawing hilaga naman magkakampo ang pangkat ng mga lipi nina Dan, Asher, at Neftali:

Lipi

Pinuno

Bilang

Dan

Ahiezer na anak ni Amisadai

62,700

Asher

Pagiel na anak ni Ocran

41,500

Neftali

Ahira na anak ni Enan

53,400

31Ang pangkat na ito ay umaabot sa 157,600. Sila ang kahuli-hulihan sa hanay ng mga kawal.

32Iyon ang bilang ng mga Israelita ayon sa kani-kanilang lipi. Lahat-lahat ay umabot sa 603,550.

33Hindi kabilang dito ang mga Levita tulad ng ipinagbilin ni Yahweh kay Moises na huwag isasama sa sensus ang mga ito.

34Ang lahat ay ginawa ng mga Israelita ayon sa utos ni Yahweh. Nagtayo sila ng tolda sa ilalim ng kani-kanilang watawat, at pangkat-pangkat na nagpatuloy sa paglalakbay.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help