Mga Gawa 4 - Tagalog Meaning-Based Bible (2005)(MBB05)

Sina Pedro at Juan sa Harap ng Sanedrin

1Nagsasalita pa sina Pedro at Juan sa mga taong bayan nang dumating ang mga paring Judio, ang kapitan ng mga bantay sa Templo at ang mga Saduseo.

2Galit na galit sila sa dalawang apostol dahil ipinapangaral nila sa mga tao na si Jesus ay muling nabuhay, at iyon ang katibayan na muling mabubuhay ang mga patay.

3Kaya't dinakip nila ang dalawa, at ikinulong muna hanggang kinabukasan sapagkat gabi na noon.

4Gayunman, marami sa nakarinig ng kanilang pangangaral ang sumampalataya kay Jesus, kaya't umabot sa limanlibo ang bilang ng mga lalaki.

5Kinabukasan, nagtipon sa Jerusalem ang mga tagapanguna ng mga Judio, ang mga matatandang namumuno sa bayan at ang mga tagapagturo ng Kautusan.

6Kasama nila si Anas, ang pinakapunong pari, si Caifas, si Juan, si Alejandro, at ang iba pang mga kamag-anak ng pinakapunong pari.

7Pinaharap nila ang mga apostol at tinanong, “Sa anong kapangyarihan o sa kaninong pangalan ninyo ginagawa ang bagay na ito?”

8Sumagot si Pedro na puspos ng Espiritu Santo, “Mga tagapanguna at pinuno ng bayan,

9kung sinisiyasat ninyo kami ngayon tungkol sa kabutihang ginawa namin sa lumpong ito at kung paano siya gumaling,

10nais kong malaman ninyong lahat at ng buong Israel na ang taong ito ay nakatayo sa inyong harapan at lubusang gumaling dahil sa kapangyarihan ng pangalan ni Jesu-Cristo na taga-Nazaret, na inyong ipinako sa krus ngunit muling binuhay ng Diyos.

11Ang At ibinuhos ng Diyos ang kanyang pagpapala sa kanilang lahat.

34Walang kinakapos sa kanila sapagkat ipinagbibili nila ang kani-kanilang lupa o bahay, at ang pinagbilhan

35ay dinadala nila sa mga apostol. Ipinamamahagi naman iyon ayon sa pangangailangan ng bawat isa.

36Ganoon ang ginawa ni Jose, isang Levitang taga-Cyprus, na tinawag ng mga apostol na Bernabe, na ang ibig sabihi'y “Anak na Matulungin.”

37Ipinagbili niya ang kanyang bukid at ibinigay sa mga apostol ang pinagbilhan.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help