Mga Awit 66 - Tagalog Meaning-Based Bible (2005)(MBB05)

Awit ng Pagpupuri at PasasalamatIsang Awit na kinatha para sa Punong Mang-aawit.

1Sumigaw sa galak ang mga nilalang!

2At purihin ang Diyos na may kagalakan; wagas na papuri sa kanya'y ibigay!

Awitan siya't luwalhatiin siya!

3Ito ang sabihin sa Diyos na Dakila:

“Ang mga gawa mo ay kahanga-hanga;

yuyuko sa takot ang mga kaaway, dahilan sa taglay mong kapangyarihan.

4Ang lahat sa lupa ika'y sinasamba,

awit ng papuri yaong kinakanta;

ang iyong pangala'y pinupuri nila.” (Selah)

5Ang ginawa ng Diyos, lapit at pagmasdan,

ang kahanga-hangang ginawa sa tanan.

6Naging

8Ang lahat ng bansa'y magpuri sa Diyos,

inyong iparinig papuring malugod.

9Iningatan niya tayong pawang buháy,

di tayo bumagsak, di niya binayaan!

10O Diyos, sinubok mo ang iyong mga hirang,

sinubok mo kami upang dumalisay;

at tulad ng pilak, kami'y idinarang.

11Iyong binayaang mahulog sa bitag,

at pinagdala mo kami nang mabigat.

12Sa mga kaaway ipinaubaya,

sinubok mo kami sa apoy at baha,

bago mo dinala sa dakong payapa.

13Ako'y maghahandog sa banal mong templo

ng aking pangako na handog sa iyo.

14Pati pangako ko, nang may suliranin,

ay ibibigay ko, sa iyo dadalhin.

15Natatanging handog ang iaalay ko;

susunuging tupa, kambing, saka toro,

mababangong samyo, halimuyak nito. (Selah)

16Lapit at makinig, ang nagpaparangal sa Diyos,

at sa inyo'y aking isasaysay ang kanyang ginawang mga kabutihan.

17Ako ay tumawag, sa Diyos ay nagpuri,

kanyang karangalan, aking sinasabi.

18Kung sa kasalanan ako'y magpatuloy,

di sana ako dininig ng ating Panginoon.

19Ngunit tunay akong dininig ng Diyos,

sa aking dalangin, ako ay sinagot.

20Purihin ang Diyos! Siya'y papurihan,

pagkat ang daing ko'y kanyang pinakinggan,

at ang pag-ibig niya sa aki'y walang katapusan.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help