Marcos 11 - Tagalog Meaning-Based Bible (2005)(MBB05)

Ang Matagumpay na Pagpasok sa Jerusalem(Mt. 21:1-11; Lu. 19:28-40; Jn. 12:12-19)

1Narating nila Jesus ang mga bayan ng Bethfage at Bethania, malapit sa may Bundok ng mga Olibo. Nang papalapit na sila sa Jerusalem, pinauna ni Jesus ang dalawa sa mga alagad

2at sinabi sa kanila, “Pumunta kayo sa susunod na nayon. Pagpasok na pagpasok, makikita ninyo ang isang batang asno na hindi pa nasasakyan ninuman. Kalagan ninyo iyon at dalhin dito.

3Kapag may nagtanong kung bakit ninyo kinakalagan iyon, sabihin ninyong iyon ay kailangan ng Panginoon at ibabalik din niya agad.”

4Kaya't lumakad ang dalawang alagad at nakita nga nila ang batang asno sa tabi ng daan, nakatali ito sa may pinto ng isang bahay. Nang kinakalagan na nila ang hayop,

5tinanong sila ng ilang nakatayo roon, “Bakit ninyo kinakalagan iyan?”

6Sumagot sila gaya ng bilin ni Jesus, at hinayaan na silang umalis.

7Dinala nila kay Jesus ang batang asno, at matapos isapin sa likod nito ang kanilang mga balabal, sumakay dito si Jesus.

8Marami ang naglatag ng kanilang mga balabal sa daan, samantalang ang iba nama'y pumutol ng madahong sanga ng kahoy at iyon ang kanilang inilatag sa daan.

9Ang Pinagpala ang dumarating sa pangalan ng Panginoon!

10Pagpalain nawa ang itatatag nang kaharian ng ating amang si David! Purihin ang Panginoon sa Kataas-taasan!”

11Pumunta si Jesus sa Jerusalem at pumasok sa Templo. Pagkatapos niyang makita ang lahat ng bagay doon, lumabas siya at nagbalik sa Bethania na kasama ang Labindalawa, sapagkat gumagabi na noon.

Sinumpa ang Puno ng Igos(Mt. 21:18-19)

12Kinabukasan, nang pabalik na sila mula sa Bethania, si Jesus ay nakaramdam ng gutom.

13Nakita niya sa di-kalayuan ang isang malagong puno ng igos. Nilapitan niya ito upang tingnan kung may bunga. Dahil hindi pa panahon ng igos noon, wala siyang nakita kundi mga dahon lamang.

14Kaya't sinabi niya sa puno ng igos, “Wala nang makakakain pa ng iyong bunga.” Ang sinabi niyang iyon ay narinig ng kanyang mga alagad.

Pinalayas ang mga Nangangalakal sa Templo(Mt. 21:12-17; Lu. 19:45-48; Jn. 2:13-22)

15Pagdating nila sa Jerusalem, si Jesus ay pumasok sa Templo. Ipinagtabuyan niya ang mga nagbebenta at namimili roon, at ipinagtataob niya ang mga mesa ng mga namamalit ng salapi at ang mga upuan ng mga nagtitinda ng kalapati.

16Pinagbawalan din niyang tumawid sa patyo ng Templo ang mga may dalang paninda

17atPag-aalinlangan Tungkol sa Karapatan ni Jesus(Mt. 21:23-27; Lu. 20:1-8)

27Muli silang pumasok sa Jerusalem. Habang si Jesus ay naglalakad sa patyo ng Templo, nilapitan siya ng mga punong pari, ng mga tagapagturo ng Kautusan at ng mga pinuno ng bayan.

28Siya'y tinanong nila, “Ano ang karapatan mong gumawa ng mga bagay na ito? Sino ang nagbigay sa iyo ng ganyang karapatan?”

29Sumagot si Jesus, “Tatanungin ko kayo. Sagutin ninyo ito at sasabihin ko sa inyo kung kanino galing ang karapatan kong gumawa ng mga bagay na ito.

30Sabihin ninyo sa akin; kanino nagmula ang karapatan ni Juan na magbautismo, sa Diyos ba o sa mga tao?”

31At sila'y nag-usap-usap, “Kung sasabihin nating mula sa Diyos, itatanong naman niya sa atin kung bakit hindi natin pinaniwalaan si Juan.

32Ngunit kung sasabihin naman nating mula sa tao, baka kung ano naman ang gawin sa atin ng mga tao.” Nangangamba sila sapagkat naniniwala ang marami na si Juan ay isang tunay na propeta.

33Kaya't ganito ang kanilang isinagot: “Hindi namin alam!”

Sinabi naman ni Jesus sa kanila, “Kung gayon, hindi ko rin sasabihin sa inyo kung kanino galing ang karapatan kong gawin ang mga ito.”

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help