Hosea 10 - Tagalog Meaning-Based Bible (2005)(MBB05)

1Ang Israel ay tulad ng punong ubas na mayabong

at hitik sa bunga ang mga sanga.

Habang dumarami ang kanyang bunga,

dumarami rin naman ang itinatayo niyang altar.

Habang umuunlad ang kanyang lupain,

lalo niyang pinapaganda ang mga haliging sinasamba.

2Marumi ang kanilang puso

at ngayo'y dapat silang magdusa.

Wawasakin ni Yahweh ang kanilang mga altar,

at sisirain ang mga haliging sinasamba.

3Ngayon nama'y sasabihin nila,

“Wala kaming hari,

sapagkat hindi kami sumasamba kay Yahweh.

Ngunit ano nga ba naman ang magagawa ng isang hari para sa amin?”

4Puro siya salita ngunit walang gawa;

puro pangako ngunit laging napapako;

ang katarungan ay pinalitan ng kawalang-katarungan,

at ito'y naging damong lason na sumisibol sa buong lupain.

5Matatakot at mananaghoy ang mga taga-Samaria

dahil sa pagkawala ng mga guya sa Beth-aven.

Ipagluluksa ito ng sambayanan;

mananangis pati mga paring sumasamba sa diyus-diyosan,

dahil sa naglaho nitong kaningningan.

6Ang diyus-diyosang ito'y dadalhin sa Asiria

bilang kaloob sa dakilang hari.

Mapapahiya ang Efraim,

at ikakahiya ng Israel ang mga itinuring nilang diyos.

7Ang hari ng Samaria ay mapapahamak

tulad ng sanga na tinatangay ng tubig.

8Wawasakin ko ang bayan,

at magsasanib ang mga bansa laban sa inyo.

Kayo'y pinarusahan ko dahil sa patung-patong na kasalanan.

11“Ang Efraim ay parang dumalagang baka

na sanay at mahilig sa gawang paggiik,

ngunit ngayo'y isisingkaw ko na siya;

ang Juda ang dapat humila ng araro;

at ang Israel naman ang hihila ng suyod.

12MaghasikJer. 4:3. kayo ng katuwiran,

at mag-aani kayo ng tapat na pag-ibig.

Bungkalin ninyong muli ang napabayaang lupa,

sapagkat panahon na upang hanapin natin si Yahweh.

Lalapit siya sa inyo at pauulanan kayo ng pagpapala.

13Ngunit naghasik kayo ng kalikuan,

at kawalang-katarungan ang inyong inani,

kumain din kayo ng bunga ng kasinungalingan.

“Dahil sa pagtitiwala ninyo sa inyong mga kapangyarihan,

at sa lakas ng marami ninyong mandirigma,

14masasangkot sa digmaan ang inyong bayan,

at mawawasak lahat ng inyong mga kuta,

gaya ng ginawa ni Salman sa Beth-arbel nang salakayin niya ito

at patayin ang mga ina at mga bata.

15Ganito ang gagawin sa sambahayan ng Israel,

sapagkat malaki ang inyong kasalanan.

Sa pagsapit ng bukang-liwayway,

ang hari ng Israel ay ganap na mamamatay.”

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help