Mga Kawikaan 14 - Tagalog Meaning-Based Bible (2005)(MBB05)

1Ang matalinong babae ay nagtatatag ng kanyang bahay,

ngunit winawasak ng isang mangmang ang sariling tahanan.

2Ang gumagalang at sumusunod kay Yahweh ay lumalakad sa katuwiran,

ngunit ang nagwawalang-bahala sa kanya ay nasa likong daan.

3Ang bawat salita ng mangmang ay may katumbas na parusa,

kaya ang matalino'y nag-iingat sa mga salita niya.

4Kung saan walang baka, ang kamalig ay walang laman,

datapwat sa maraming baka, sagana ang anihan.

5Ang tapat na saksi'y hindi magsisinungaling,

ngunit pawang kabulaanan ang sa saksing sinungaling.

6Ang mangmang ay nag-aaral pero hindi matuto,

ngunit madaling maturuan ang taong may talino.

7Iwasan mong makisama sa mga taong mangmang,

pagkat sa kanila ay wala kang mapupulot na kaalaman.

8Nalalaman ng matalino ang kanyang ginagawa,

ngunit ang mangmang ay inaakay ng mali niyang unawa.

9Kinukutya ng mga hangal ang handog na pambayad sa kasalanan,

ngunit nalalasap ng matuwid ang mabuting kalooban.

10Walang makikihati sa kabiguan ng tao,

gayon din naman sa ligayang nadarama nito.

11Ang bahay ng masama ay sadyang mawawasak,

ngunit ang tolda ng matuwid ay hindi babagsak.

12May

33Sa isip ng may unawa ang nananahan ay karunungan,

ngunit ang mangmang ay walang kaalaman.

34Ang katuwiran ay nagpapadakila sa isang bayan,

ngunit ang kasalanan naman ay nagdudulot ng kahihiyan.

35Sa matalinong alipin, ang amo ay nalulugod,

ngunit sa utusang walang isip siya ay napopoot.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help