1Tinipon ni Jesus ang Labindalawa at binigyan sila ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo at magpagaling ng mga may sakit.
2Isinugo sila ni Jesus upang mangaral tungkol sa paghahari ng Diyos at upang magpagaling ng mga maysakit.
3Sila'y Pakinggan ninyo siya!”
36Nang mawala ang tinig, nakita nilang nag-iisa na si Jesus. Hindi muna ipinamalita ng mga alagad ang kanilang nakita.
Pinagaling ang Sinasaniban ng Masamang Espiritu(Mt. 17:14-18; Mc. 9:14-27)37Kinabukasan, bumabâ sila mula sa bundok at si Jesus ay sinalubong ng napakaraming tao.
38Mula sa karamihan ay may isang lalaking sumigaw, “Guro, pakitingnan nga po ninyo ang kaisa-isa kong anak na lalaki!
39Sinasaniban po siya ng isang espiritu at bigla na lamang siyang nagsisisigaw at nangingisay hanggang sa bumula ang bibig. Lubha po siyang pinapahirapan at halos ayaw nang tigilan.
40Nakiusap po ako sa inyong mga alagad na palayasin nila ang espiritu ngunit hindi nila ito mapalayas.”
41Sumagot si Jesus, “Lahing napakasama at walang pananampalataya! Hanggang kailan pa ako dapat manatiling kasama ninyo? Hanggang kailan ko kayo pagtitiisan?” At sinabi niya sa lalaki, “Dalhin ninyo rito ang iyong anak.”
42Nang papalapit na ang bata, pinangisay na naman ito ng demonyo at bumagsak sa lupa. Ngunit pinalayas ni Jesus ang masamang espiritu at pinagaling ang bata; pagkatapos ay ibinigay sa ama nito.
43At namangha ang mga tao sa nakita nilang kapangyarihan ng Diyos.
Muling Binanggit ni Jesus ang Kanyang Kamatayan(Mt. 17:22-23; Mc. 9:30-32)Hangang-hanga ang lahat ng mga tao sa ginawa ni Jesus, ngunit sinabi niya sa kanyang mga alagad,
44“Pakinggan ninyo at tandaan itong sasabihin ko: ang Anak ng Tao ay pagtataksilan at mapapasailalim sa kapangyarihan ng mga tao.”
45Ngunit hindi nila ito naunawaan sapagkat inilihim sa kanila ang kahulugan nito. Nag-aalangan naman silang magtanong kung anong ibig niyang sabihin.
Ang Pinakadakila(Mt. 18:1-5; Mc. 9:33-37)46At
55Ngunit bumaling si Jesus sa kanila at sila'y pinagsabihan.
56At nagpunta sila sa ibang nayon.
Pagsunod kay Jesus(Mt. 8:19-22)57Samantalang sila'y naglalakad, may isang lalaking lumapit at nagsabi kay Jesus, “Sasama po ako sa inyo kahit saan.”
58Sumagot si Jesus, “May lungga ang asong-gubat, at may pugad ang mga ibon, ngunit ang Anak ng Tao'y walang sariling tahanan.”
59At sinabi naman niya sa isa, “Sumunod ka sa akin.” Ngunit sumagot ang tao, “Panginoon, hayaan lang po muna ninyong maipalibing ko ang aking ama.”
60Sinabi ni Jesus sa kanya, “Hayaan mong mga patay ang magpalibing sa kanilang mga patay. Ngunit humayo ka at ipahayag mo ang tungkol sa paghahari ng Diyos.”
61May1 Ha. 19:20. isa namang nagsabi sa kanya, “Susunod po ako sa inyo, Panginoon, ngunit hayaan ninyong magpaalam muna ako sa aking mga kasambahay.”
62At ganito naman ang tugon ni Jesus, “Ang sinumang nag-aararo at palingun-lingon ay hindi karapat-dapat sa kaharian ng Diyos.”
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.