1Pagkaraan
9Huwag na sanang sumikat ang bituin sa umaga,
at huwag na sanang sundan ng umaga ang gabi.
10Sumpain ang gabi ng aking pagsilang
na nagdulot sa akin ng ganitong kahirapan.
11“Bakit hindi pa ako namatay sa tiyan ng aking ina,
o kaya'y noong ako'y isilang niya?
12Bakit kaya ako ay idinuyan pa, kinalong, inalagaan,
at binigyan ng gatas sa dibdib niya?
13Kung namatay ako noon, ako sana'y tahimik na, mahimbing na natutulog at nagpapahinga.
14Katulad ng mga hari at pinunong yumao,
na noong panahon nila'y nagtayo ng mga palasyo.
15Tahimik na sana ako tulad ng mga pinunong nakapag-imbak
sa kanilang bahay ng mga ginto at pilak,
16o tulad ng mga sanggol na patay nang ipanganak at hindi na nakakita pa ng liwanag.
17Sa libinga'y hindi na makakapanggulo ang mga masasama,
at doon ang mga napapagod ay makakapagpahinga.
18Doon, pati mga bihag ay wala nang ligalig,
wala nang mga sigaw at utos na mabagsik.
19Ang mga abâ at mga dakila ay sama-sama roon,
ang mga alipin ay malaya na sa kanilang panginoon.
20“Bakit pa isinilang kung magdurusa rin lamang?
At bakit pa binuhay kung daranas din lang ng kahirapan?
21Kamataya'yPah. 9:6. hinahanap ngunit hindi matagpuan,
hinuhukay at ninanais higit pa sa kayamanan.
22Sa kanila'y ubod-tamis nitong kamatayan.
23Ano kaya ang dahilan at ang tao'y isinilang,
kung inilihim naman ng Diyos ang kanyang patutunguhan?
24Karaingan ang aking pagkain,
pagtitiis ang aking inumin.
25Ang kinatatakutan ko ang siyang nangyari sa akin, at ang pinakaaayawan ko ang dumating sa akin.
26Hindi ako mapalagay, wala akong kapayapaan,
kaguluhan sa buhay ko ay walang katapusan.”
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.
