Lucas 22 - Tagalog Meaning-Based Bible (2005)(MBB05)

Ang Balak Laban kay Jesus(Mt. 26:1-5; Mc. 14:1-2; Jn. 11:45-53)

1Malapit

45Pagkatapos manalangin, siya'y tumayo at lumapit sa kanyang mga alagad. Naratnan niyang natutulog ang mga ito dahil sa labis na kalungkutan.

46“Bakit kayo natutulog?” tanong niya. “Bumangon kayo at manalangin upang hindi kayo madaig ng tukso.”

Ang Pagdakip kay Jesus(Mt. 26:47-56; Mc. 14:43-50; Jn. 18:3-11)

47Nagsasalita pa si Jesus nang dumating ang maraming taong pinangungunahan ni Judas, na kabilang sa Labindalawa. Nilapitan niya si Jesus upang halikan,

48subalit tinanong siya ni Jesus, “Judas, ipagkakanulo mo ba ang Anak ng Tao sa pamamagitan ng isang halik?”

49Nang makita ng mga alagad ang mangyayari ay sinabi nila, “Panginoon, gagamitin na ba namin ang aming tabak?”

50Kaagad tinaga ng isa sa kanila ang alipin ng pinakapunong pari at natagpas ang kanang tainga nito.

51Sinabi ni Jesus, “Tama na iyan!” Hinipo niya ang tainga ng alipin at ang sugat ay kaagad ring naghilom.

52Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa mga punong pari, sa mga pinuno ng mga bantay sa Templo at sa pinuno ng bayan na nagparoon upang dakpin siya, “Ako ba'y tulisan, at naparito kayong may mga tabak at mga pamalo?

53Araw-arawLu. 19:47; 21:37. akong nagtuturo sa Templo at naroon din kayo, ngunit hindi ninyo ako dinakip. Subalit ngayon ay panahon na ninyo at ng kapangyarihan ng kadiliman.”

Ikinaila ni Pedro si Jesus(Mt. 26:57-58, 69-75; Mc. 14:53-54, 66-72; Jn. 18:12-18, 25-27)

54Dinakip nga nila si Jesus at dinala sa bahay ng pinakapunong pari ng mga Judio. Si Pedro nama'y sumunod sa kanila, ngunit malayo ang agwat.

55Nagsiga sila sa gitna ng patyo at naupo sa paligid ng apoy, at si Pedro ay nakiumpok sa kanila.

56Nang makita siya ng isang utusang babae, siya'y pinagmasdang mabuti. Pagkatapos ay sinabi ng babae, “Kasama rin ni Jesus ang taong ito!”

57Ngunit ikinaila iyon ni Pedro, “Aba, hindi! Ni hindi ko nga iyan kilala!”

58Pagkaraan ng ilang sandali, mayroon uling nakapansin sa kanya at siya'y tinanong, “Hindi ba't kasamahan ka rin nila?”

Ngunit sumagot siya, “Nagkakamali kayo, Ginoo!”

59Pagkalipas ng may isang oras, iginiit naman ng isa sa naroon, “Kasama nga ni Jesus ang taong ito, sapagkat isa rin siyang taga-Galilea.”

60Ngunit sumagot si Pedro, “Ginoo, hindi ko nalalaman ang sinasabi ninyo!”

Nagsasalita pa siya nang biglang may tumilaok na manok.

61Lumingon ang Panginoon at tumingin kay Pedro, at naalala ni Pedro ang sinabi ng Panginoon, “Bago tumilaok ang manok sa araw na ito ay tatlong beses mo akong ikakaila.”

62Lumabas si Pedro at umiyak nang buong pait.

Kinutya at Binugbog si Jesus(Mt. 26:67-68; Mc. 14:65)

63Samantala, si Jesus ay kinukutya at binubugbog ng mga nagbabantay sa kanya.

64Siya'y piniringan nila at tinatanong, “Hulaan mo nga kung sino ang sumuntok sa iyo!”

65Marami pang panlalait ang ginawa nila sa kanya.

Sa Harapan ng Sanedrin(Mt. 26:59-66; Mc. 14:55-64; Jn. 18:19-24)

66Kinaumagahan ay nagkatipon ang Sanedrin na binubuo ng mga pinuno ng bayan, mga punong pari at mga tagapagturo ng Kautusan. Iniharap sa kanila si Jesus at siya'y kanilang tinanong,

67“Sabihin mo sa amin kung ikaw nga ang Cristo.”

Sumagot si Jesus, “Sabihin ko man sa inyo ay hindi kayo maniniwala.

68Kung tanungin ko naman kayo, hindi rin kayo sasagot.

69Ngunit sinasabi ko sa inyo, mula ngayon ang Anak ng Tao ay uupo sa kanang trono ng Makapangyarihang Diyos.”

70“Nais mo bang sabihing ikaw ang Anak ng Diyos?” tanong ng lahat.

“Kayo na rin ang nagsasabi,” tugon niya.

71“Hindi na natin kailangan ng mga saksi; tayo na mismo ang nakarinig mula sa sarili niyang bibig!” sabi nila.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help