Ecclesiastico 17 - Tagalog Meaning-Based Bible (2005)(MBB05)

1Nilikha

6Binigyan niya ang tao ng dila, mga mata at tainga,

at kapangyarihang mag-isip at magpasya.

7Pinuspos

10upang papurihan nila ang kanyang pangalan

at ipahayag ang kadakilaan ng kanyang mga gawa.

11Ibinigay niya sa tao ang kanyang mga aral,

at ipinamana sa kanila ang Kautusang nagbibigay-buhay.

12Nakipagtipan siya sa mga tao magpakailanman,

at ipinahayag sa kanila ang kanyang mga kautusan.

13Nakita nila ang kanyang maningning na paghahari,

at narinig nila ang kanyang maluwalhating tinig.

14Sinabi niya sa kanila: “Mag-ingat kayo sa lahat ng masama;”

at iniutos sa kanila ang tungkulin ng bawat isa sa kanyang kapwa.

Ang Diyos ang Hahatol

15-16Nakikita ng Panginoon ang lahat ng ginagawa ng tao,

at walang nalilingid sa kanya na anuman.

17-18Nang itatag ng Panginoon ang iba't ibang bansa sa daigdig, binigyan niya ang bawat bansa ng kanyang tagapamuno;

ngunit ang Israel ay hinirang niyang maging bayan niya.

19Ang gawa ng tao'y malinaw pa sa liwanag ng araw

at minamasdan ng Panginoon ang pamumuhay ng tao.

20-21Hindi maitatago sa kanya ang kanilang kasamaan,

at nakikita niya ang lahat nilang kasalanan.

22Parang singsing na pantatak sa paningin ng Panginoon ang pagkakawanggawa ng tao,

pinahahalagahan niyang parang balintataw ng kanyang mga mata ang kanilang kabutihang asal.

23Darating ang araw na siya'y maghihiganti laban sa masasama,

at babagsak sa kanila ang parusang nararapat sa kanila.

24Ngunit lagi niyang tinatanggap ang nagbabalik-loob,

at inaaliw ang nawawalan ng pag-asa.

Panawagan sa Pagsisisi

25IwanJer. 3:12. mo na ang kasalana't lumapit ka sa Panginoon,

magsumamo ka sa kanya at mapapawi ang iyong sala.

26Manumbalik ka na sa Kataas-taasang Diyos; talikuran mo na ang gawang masama,

at kamuhian mo ang kanyang kinasusuklaman.

27SinoAwit 6:5; Isa. 38:18; Bar. 2:17-18. ang magpupuri sa Kataas-taasang Diyos sa daigdig ng mga patay?

Ang mga buháy lamang ang maaaring magpuri sa kanya.

28Ang mga patay, sapagkat sila'y wala na, ay di maaaring umawit ng papuri sa Panginoon;

mga buháy lamang at malulusog ang maaaring magpuri sa kanya.

29Kay laki ng habag ng Panginoon;

anong dali niyang magpatawad sa nagbabalik-loob sa kanya!

30Hindi maaaring kamtan ng tao ang lahat ng bagay,

sapagkat ang lahi ng tao ay may kamatayan.

31Mayroon bang anumang maningning pa kaysa araw?

Ngunit pati ito ay nagdidilim din kung minsan.

Gayundin ang tao na minsa'y gumagawa ng masama.

32Pinahahanay ng Panginoon ang mga hukbo ng langit,

ngunit ang tao ay putik lamang at alabok.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help