1Ngunit
3Kaya, sa paglalakbay nila patungo sa ibang lupain,
sila'y pinasubaybayan mo sa haliging apoy.
Parang araw na nagliliwanag ngunit hindi sila nasusunog sa makasaysayang paglalakbay na iyon.
4Nararapat lang sa kanilang mga kaaway na pagkaitan ng liwanag at ibilanggo sa kadiliman,
pagkat ibinilanggo nila ang iyong bayan
na naging kasangkapan sa pagsasabog ng liwanag ng iyong Kautusan sa buong daigdig.
Pagkamatay ng mga Panganay5Pinatay nila ang mga sanggol ng iyong bayan maliban sa isang nailigtas,
Kaya pinatay mo rin ang kanilang mga sanggol,
at nilipol mo ang kanilang hukbo sa pamamagitan ng isang malaking baha.
6Ang mangyayari sa gabing iyon ay ipinagpauna mong sabihin sa aming mga ninuno,
upang magalak sila sa katuparan ng iyong mga pangakong pinagtiwalaan nila.
7Alam ng iyong bayan na ililigtas mo
ang mga matuwid at paparusahan ang kanilang mga kaaway.
8Ang paraang ginamit mo sa pagpaparusa sa aming mga kaaway
ay siya mo ring ginamit na pantawag sa amin,
upang kami'y bahaginan mo ng iyong karangalan.
9Ang mga tapat na anak ng mabuting bayang ito ay lihim na naghahandog.
Nagkaisa silang sumunod sa mga utos ng Diyos at magsama sa hirap at ginhawa.
Noon pa'y inaawit na nila ang matatandang awit na ito ng papuri.
10Samantala, ang panaghoy ng kanilang mga kaaway ay abot sa buong paligid,
dahil sa pagkamatay ng kanilang mga anak.
11Iisa ang parusang iginawad sa alipin at sa panginoon.
Iisa ang kapalarang sinapit ng hari at ng karaniwang tao.
12Pare-pareho silang namatayan.
Hindi mabilang ang mga bangkay na iisa ang ikinamatay.
Kakaunti ang natira sa kanila,
at hindi nila kayang ilibing ang napakaraming patay.
Sa isang kisap-mata, ang pinakamamahal nilang mga anak ay namatay na lahat.
13Noong una'y wala silang pinaniniwalaan liban sa kapangyarihan ng kanilang salamangka.
Ngunit nang mamatay ang kanilang mga panganay, naniwala rin silang ikaw, O Diyos, ang ama ng bayang Israel.
14Payapa at tahimik ang lahat,
nangangalahati na ang gabi,
15walang anu-ano'y bumabâ ang makapangyarihan mong mga salita,
mula sa iyong maharlikang trono sa langit,
pumagitna sa lupaing iyon na itinalaga mong wasakin
gaya ng mabagsik na mandirigma.
16Taglay niya ang matalim na tabak ng iyong mga utos.
Tumayo siya, ang ulo niya'y abot sa langit,
at pinalaganap ang kamatayan sa buong lupain.
17Walang anu-ano, nakakita sila ng nakakatakot na mga mukha,
at sila'y pinagharian ng takot.
18Kabi-kabila ay may nabubuwal na naghihingalo.
Bawat isa'y nagsasabi kung bakit siya namamatay.
19Ipinagpauna ito sa kanila sa pamamagitan ng isang nakakatakot na panaginip,
upang bago sila mamatay ay malaman nila ang dahilan.
Iniligtas ang mga Israelita20Ang
hindi sa pamamagitan ng lakas
kundi sa pamamagitan ng panalangin,
at pagbanggit sa iyong mga pangako sa kanilang mga ninuno.
23Nang nakabunton na ang mga patay, namagitan na siya,
at napigil niya ang galit ng Diyos,
at tumigil ang salot.
24Sa mahaba niyang balabal ay nakalarawan ang buong daigdig.
Ang alaala ng kanilang mga ninuno ay nakaukit sa apat na hilera ng mamahaling bato,
at ang iyong karangalan ay nasa korona sa kanyang ulo.
25Dahil sa mga ito, napahinuhod ang Anghel ng Kamatayan.
At ang karanasang iyon ay sapat na upang matakot ang bayan mo.
Hindi na kailangang danasin nila ang buong bigat ng galit mo.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.