1 Mga Taga-Corinto 5 - Tagalog Meaning-Based Bible (2005)(MBB05)

Parusa sa Gumagawa ng Kahalayan

1Nakarating Kapag kayo'y nagtipun-tipon, at ang espiritu ko ay nariyan, sa kapangyarihan ng ating Panginoong Jesus,

5ibigay ninyo kay Satanas ang taong iyan upang mapahamak ang kanyang katawan, at nang sa gayo'y maligtas ang kanyang espiritu sa araw ng Panginoon.

6HindiGa. 5:9. kayo dapat magmalaki. Hindi ba ninyo alam ang kasabihang, “Napapaalsa ng kaunting pampaalsa ang buong masa”?

7AlisinExo. 12:5. ninyo ang lumang pampaalsa, ang kasalanan, upang kayo'y maging malinis. Sa gayon, matutulad kayo sa isang bagong masa na walang pampaalsa, at talaga namang ganyan kayo. Sapagkat naihandog na ang ating Korderong Pampaskwa na walang iba kundi si Cristo.

8Kaya'tExo. 13:7; Deut. 16:3. ipagdiwang natin ang Paskwa, hindi sa pamamagitan ng tinapay na may lumang pampaalsa na sagisag ng kasamaan at kahalayan, subalit sa pamamagitan ng tinapay na walang pampaalsa, ang tinapay ng kalinisan at katapatan.

9Sinabi ko sa aking sulat na huwag na kayong makisalamuha pa sa mga nakikiapid.

10Hindi ang mga makamundong nakikiapid, sakim, magnanakaw, o sumasamba sa diyus-diyosan ang tinutukoy ko, sapagkat para sila'y maiwasan kinakailangan ninyong umalis sa mundong ito.

11Ang tinutukoy ko na huwag ninyong papakisamahan ay ang nagsasabing sila'y Cristiano ngunit nakikiapid, sakim, sumasamba sa diyus-diyosan, nanlalait, naglalasing, at nagnanakaw. Ni huwag kayong makikisalo sa ganyang uri ng tao.

12-13KungDeut. 13:5; 17:7 (LXX). sabagay, wala akong karapatang humatol sa mga hindi Cristiano; ang Diyos ang hahatol sa kanila. Hindi ba't ang mga nasa loob ng iglesya ang dapat ninyong hatulan? Sabi nga sa kasulatan, “Itiwalag ninyo sa inyong samahan ang masamang tao.”

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help