Mga Awit 142 - Tagalog Meaning-Based Bible (2005)(MBB05)

Panalangin Upang Tulungan ng DiyosIsang ni David, nang siya'y nasa kuweba. Ito'y isa ring panalangin.

1O Yahweh, ako ay humingi ng tulong,

ako'y maghihintay sa iyong pagtugon;

2ang aking dinala'y lahat kong hinaing,

at ang sinabi ko'y pawang suliranin.

3Nang ako ay halos wala nang pag-asa,

ang dapat kong gawi'y nalalaman niya.

Sa landas na aking pinagdaraanan,

may handang patibong ang aking kaaway.

4Sa aking paligid, nang ako'y lumingon,

wala ni isa man akong makatulong;

wala kahit isa na magsasanggalang,

ni magmalasakit na kahit sinuman.

5Ako ay humibik, kay Yahweh dumaing,

sa Tagapagligtas, ako'y dumalangin;

tunay na ikaw lang mahalaga sa akin.

6Dinggin ang hibik ko, ako ay tulungan,

pagkat halos ako'y di makagulapay;

iligtas mo ako sa mga kaaway,

na mas malalakas ang mga katawan.

7Sa suliranin ko, ako ay hanguin,

at ang pangalan mo'y aking pupurihin, sa gitna ng madlang mga lingkod mo rin

sa kabutihan mong ginawa sa akin!

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help