Mga Gawa 15 - Tagalog Meaning-Based Bible (2005)(MBB05)

Ang Pagpupulong sa Jerusalem

1May at huwag kakain ng dugo.

21Sapagkat mula pa noong unang panahon, ang Kautusan ni Moises ay binabasa na sa mga sinagoga tuwing Araw ng Pamamahinga at ang aral niya ay itinuturo sa bawat bayan.”

Ang Sulat sa mga Hentil na Sumasampalataya

22Kaya't minabuti ng mga apostol, ng mga pinuno ng iglesya, at ng buong iglesya na pumili ng ilan sa kanila upang suguin sa Antioquia, kasama nina Pablo at Bernabe. Ang mga napili nila ay si Judas na tinatawag na Barsabas at si Silas, na mga lalaking iginagalang ng mga kapatid.

23Ipinadala nila sa kanila ang sulat na ganito ang nilalaman:

“Kaming mga apostol at pinuno ng iglesya ay bumabati sa mga mananampalatayang Hentil sa Antioquia, sa Siria at sa Cilicia.

24Nabalitaan naming ginugulo kayo ng ilang kasamahan naming galing dito, kahit na hindi namin sila inuutusan. At binabagabag nila kayo sa pamamagitan ng kanilang itinuturo,

25kaya't napagkaisahan naming magpadala sa inyo ng mga sugo. Kasama sila ng ating minamahal na sina Bernabe at Pablo,

26mga taong hindi nag-atubiling itaya ang kanilang buhay sa paglilingkod sa ating Panginoong Jesu-Cristo.

27Isinugo namin sa inyo sina Judas at Silas upang ipaliwanag ang sinasabi sa sulat na ito.

28Sapagkat minabuti namin at ng Espiritu Santo na huwag na kayong atangan ng iba pang pasanin maliban sa mga bagay na talagang kailangan.

29Huwag kayong kakain ng anumang inihandog sa mga diyus-diyosan, ng dugo at ng hayop na binigti. Huwag kayong makikiapid. Layuan ninyo ang mga iyan at mapapabuti kayo. Paalam.”

30At pinalakad nila ang mga sugo. Pagdating sa Antioquia, tinipon ng mga ito ang mga kapatid at ibinigay ang sulat.

31Pagkabasa sa sulat, nagalak ang lahat dahil sa kanilang narinig.

32Sina Judas at Silas, na mga propeta rin, ay maraming itinuro sa mga kapatid na nakapagpalakas ng kanilang loob at nakapagpatibay ng kanilang pananampalataya.

33-34Ang dalawa'y tumigil doon nang kaunting panahon. Pagkatapos, sila'y pinabalik na taglay ang pagbati ng mga kapatid para sa mga nagsugo sa kanila.

35Nanatili naman sina Pablo at Bernabe sa Antioquia; at kasama ng marami pang iba, sila'y nagturo at nangaral ng salita ng Panginoon.

Ang Paghihiwalay nina Pablo at Bernabe

36Makalipas ang ilang araw, sinabi ni Pablo kay Bernabe, “Balikan natin at dalawin ang mga kapatid sa mga bayan kung saan tayo nangaral ng salita ng Panginoon at tingnan natin kung ano ang kalagayan nila.”

37Nais ni Bernabe na isama si Juan na tinatawag ding Marcos.

38NgunitGw. 13:13. ayaw ni Pablo, sapagkat hindi ito nagpatuloy na sumama sa kanilang gawain, sa halip, ito'y humiwalay sa kanila sa Pamfilia.

39Nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo kaya't naghiwalay sila. Isinama ni Bernabe si Marcos at naglayag sila papuntang Cyprus.

40Isinama naman ni Pablo si Silas at sila'y umalis, matapos ipanalangin ng mga kapatid na ingatan sila ng Panginoon.

41Naglakbay sila sa Siria at Cilicia at pinatatag ang mga iglesya roon.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help