Mga Awit 95 - Tagalog Meaning-Based Bible (2005)(MBB05)

Awit ng Pagpupuri kay Yahweh

1Tayo na't lumapit

kay Yahweh na Diyos, siya ay awitan,

ang batong kublihan,

atin ngang handugan, masayang awitan!

2Tayo na't lumapit,

sa kanyang presensya na may pasalamat,

siya ay purihin,

ng mga awiting may tuwa at galak.

3Sapagkat si Yahweh,

siya ay dakila't makapangyarihang Diyos,

ang dakilang Haring

higit pa sa sinuman na dinidiyos.

4Nasa kanyang palad

ang buong daigdig, pati kalaliman;

ang lahat ay kanya

maging ang mataas nating kabundukan.

5Kanya rin ang dagat

at pati ang lupa na kanyang nilalang.

6Tayo na't lumapit,

sa kanya'y sumamba at magbigay-galang,

lumuhod sa harap

ni Yahweh na siyang sa ati'y may lalang.

7SiyaHeb. 3:7-11. Heb. 3:15; 4:7. ang ating Diyos,

at tayo ang bayan sa kanyang pastulan,

mga tupang kanyang inaalagaan.

At ngayon kanyang salita'y ating pakinggan:

8“IyangExo. 17:1-7; Bil. 20:2-13. inyong puso'y

huwag patigasin, tulad ng ginawa

ng inyong magulang

nang nasa Meriba, sa ilang ng Masah.

9Ako ay tinukso't

doon ay sinubok ng inyong magulang,

bagama't nakita

ang aking ginawang sila'ng nakinabang.

10Apatnapung taon,

sa inyong ninuno ako ay nagdamdam,

ang aking sinabi,

‘Sila ay suwail, walang pakundangan

at ang mga utos ko'y ayaw nilang sundin!’

11Kaya'tBil. 14:20-23; Deut. 1:34-36; Heb. 4:3, 5; Deut. 12:9-10. sa galit ko,

ako ay sumumpang hindi sila makakapasok

at makakapagpahinga sa aking piling.”

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help