1Si Tobias ay sumagot sa kanyang amang si Tobit, “Susundin ko po ang lahat ng inyong utos.
2Ngunit paano ko po makukuha ang salaping sinasabi ninyo? Hindi naman ako kilala ng taong sinasabi ninyo at hindi ko rin naman siya kilala! Ano pong katibayan ang ibibigay ko sa kanya upang kilanlin niya ako at ipagkatiwala sa akin ang salaping iyon? Hindi ko rin po alam ang papunta sa Media.”
3Sumagot si Tobit, “May paraan, anak; lumagda kami ni Gabael sa isang kasulatan, na may dalawang sipi at pagkatapos ay pinagtig-isahan namin iyon. Ang kanya ay kasama ng supot ng salapi. Dalawampung taon na ang nakalipas mula noon! Humanap ka agad ng isang taong mapagkakatiwalaan na makakasama mo. Babayaran natin siya pagbalik ninyo. Kailangang makuha mo ang salaping iyon kay Gabael.”
4Humanap Anak sila ng iyong Lolo Semaias at madalas kaming magkasama papuntang Jerusalem para sumamba. Napakabuti nila; mabuti ang iyong angkan! Kaya, tamang-tama ka. Maligayang paglalakbay!”
14Sabi pa ni Tobit, “Sumama ka lamang sa anak ko, babayaran kita nang araw-araw at babayaran ko ang lahat ng gastusin ninyo.
15Hindi lamang iyon, bibigyan pa kita ng karagdagang kaloob.”
16SumagotGen. 24:7, 40. naman si Rafael, “Huwag po kayong mag-alala; sasama ako kay Tobias. Makakaasa kayong makakabalik kaming maluwalhati. Wala pong magiging problema sa aming daraanan.”
“Pagpalain kayo ng Diyos,” tugon naman ni Tobit. Tinawag niya si Tobias at sinabi, “Anak, ihanda mo nang lahat ang iyong kailangan, at lumakad na kayo sa mga kamag-anak natin sa Media. Ingatan nawa kayo ng Diyos at ibalik na ligtas. Patnubayan nawa kayo ng kanyang anghel.”
Bago sila umalis, humalik muna si Tobias sa kanyang ama at ina. “Nawa'y ingatan kayo ng Diyos sa inyong paglalakbay,” sabing muli ni Tobit.
17Ngunit napaiyak ang asawa ni Tobit. Sabi niya, “Bakit ka naman nagpasya nang ganito? Alam mo namang siya lang ang ating inaasahan at tanging gabay sa buhay.
18Huwag namang ang higit na mahalaga sa iyo ngayon ay ang kayamanan kaysa sa iyong anak!
19Ang buhay na kaloob ng Diyos sa atin ay sapat na.”
20“Huwag kang mag-alala,” sagot ni Tobit. “Ang anak nati'y ligtas na aalis at makakabalik.
21Pumanatag ka; huwag kang mag-alala, mahal ko. Asahan mong papatnubayan siya ng mabuting anghel, at babalik siyang walang kapansanan.” At tumahan na si Ana.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.
