Mga Awit 26 - Tagalog Meaning-Based Bible (2005)(MBB05)

Panalangin ng Isang Mabuting TaoKatha ni David.

1Ipahayag mo ako, Yahweh, na walang sala,

pagkat ako'y matuwid at sa iyo'y lubos na umaasa.

2Yahweh, ako'y siyasatin mo at subukin,

hatulan mo ang iniisip at ang aking hangarin.

3Pag-ibig mong wagas ang aking patnubay,

ang iyong katapatan ang lagi kong kaagapay.

4Di ako nakikisama sa walang kuwentang tao,

hindi ako nakikiisa sa mga hipokrito.

5Ang nakikisama sa kanila ay aking kinamumuhian,

at ang makihalo sa kanila'y aking iniiwasan.

6Kamay ko'y malinis pagkat ako'y walang kasalanan,

ako'y lumalakad, Yahweh, sa paligid ng iyong altar.

7Awit ng pasasalamat ay aking inaawit,

gawa mong kahanga-hanga, ay aking sinasambit.

8Mahal ko, Yahweh, ang Templo mong tahanan,

sapagkat naroroon ang iyong kaluwalhatian.

9Sa parusa ng masasama, huwag mo akong idamay,

ilayo rin sa parusa ng mahihilig sa pagpatay—

10mga taong walang magawâ kundi kasamaan,

at palaging naghihintay na sila ay suhulan.

11Ngunit para sa akin, gagawin ko ang tama,

kaya iligtas mo ako at sa akin ay maawa.

12Ako ay ligtas sa lahat ng kapahamakan;

pupurihin ko si Yahweh sa gitna ng kapulungan!

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help