Mga Awit 112 - Tagalog Meaning-Based Bible (2005)(MBB05)

Mapalad ang Mabuting Tao

1Purihin si Yahweh!

Mapapalad ang tao na kay Yahweh ay gumagalang,

at taus-pusong sumusunod sa kanyang kautusan.

2Ang kanyang lipi'y magiging dakila,

pati mga angkan ay may pagpapala.

3Magiging sagana sa kanyang tahanan,

pagpapala niya'y walang katapusan.

4Ang taong matuwid, may bait at habag,

kahit sa madilim taglay ay liwanag.

5Ang mapagpautang nagiging mapalad,

kung sa hanapbuhay siya'y laging tapat.

6Hindi mabibigo ang taong matuwid,

di malilimutan kahit isang saglit.

7Masamang balita'y hindi nagigitla,

matatag ang puso't kay Yahweh'y tiwala.

8Wala siyang takot hindi nangangamba,

alam na babagsak ang kaaway niya.

9Nagbibigay2 Cor. 9:9. sa mga nangangailangan,

pagiging mat'wid niya'y walang hanggan,

buong karangalang siya'y itataas.

10Kung makita ito ng mga masama,

lumalayas silang mabagsik ang mukha;

pagkat ang pag-asa'y lubos nang nawala.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help