Tobit 13 - Tagalog Meaning-Based Bible (2005)(MBB05)

Awit ng Pagpupuri ni Tobit

1Kaya't nanalangin si Tobit,

“Purihin ang Diyos na walang hanggan,

purihin ang kanyang kaharian!

2Siya'y nagpaparusa na taglay ang habag;

kung tayo ma'y malibing, sa hukay masadlak,

muling hinahango niya't binubuhay.

Walang makakatakas sa kanyang kapangyarihan.

3“Kayong Israelita, papurihan ninyo ang Diyos

sa harap ng mga bansang bumihag sa inyo.

4Doo'y

Muling matatayo ang iyong Templo

at maghahari ang galak sa kanyang bayan.

11Magniningning ang sinag mo sa buong daigdig,

buhat sa malayo, maraming bansa ang lalapit sa iyo.

Jerusalem, ang iyong ilaw ay magliliwanag sa buong daigdig,

kaya't lalapit ang mga tao at pararangalan ang Panginoong ating Diyos.

May taglay silang mga kaloob para sa Hari ng kalangitan.

Sa mga lansangan, maraming lahi ang aawit at magpupuri.

Sa habang panahon ang iyong pangalan ay mananatili.

12Ang magsasalita ng laban sa iyo'y tatanggap ng sumpa,

gayundin silang nagwasak sa iyo at ng iyong muog

silang nagbagsak ng iyong mga tore, at nanunog ng inyong tahanan;

ngunit ang lahat ng nagparangal sa iyo ay pagpapalain kailanman.

13“Magalak ka, Jerusalem, dahil sa mga taong matuwid.

Mula sa bansang pinagbihagan, sila'y titipuning muli

para purihin ang Panginoong walang hanggan.

14Ang mga anak mong sa umiibig sa iyo ay dapat magalak;

magalak nga sila sa iyong pag-unlad.

Magalak din silang sa kahirapan mo'y pawang nalulumbay,

silang nalulungkot sa iyong tinamong mga kahirapan.

Ang kagalakan mo'y magdudulot sa kanila ng tuwang walang katapusan.

15“Pupurihin ko ang Panginoon, ang dakilang Hari,

16muling itatayo ang Jerusalem

at dito siya tatahan magpakailanman.

Ako'y magagalak, Jerusalem,

kung may matitira sa aking angkan; kung makikita nila ang iyong kaningningan

at magpupuri sila sa Hari ng kalangitan.

Ang gagamitin sa mga pader mo'y mahalagang bato,

at lantay namang ginto ang mga tore at tanggulan mo.

17Ang mga lansangan ng lunsod na ito ay lalatagan

ng batong hiyas, ng rubi at ofir na pawang kumikinang.

18Ang mga pintuan nitong Jerusalem aawit sa tuwa;

mula sa mga tahanan lahat ay sisigaw dahilan sa galak!

‘Purihin ang Panginoon, purihin ang Diyos ng Israel!’

“Jerusalem, pagpapalain ng Diyos ang iyong mamamayan;

Sa buong panahon, sa ngalan ng Panginoon papuri ay iukol.

Pupurihin nila ang banal mong pangalan magpakailanman.”

Dito nagwakas ang awit ng pagpupuri ni Tobit.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help