Susana 1 - Tagalog Meaning-Based Bible (2005)(MBB05)

Naakit ang Dalawang Hukom sa Kagandahan ni Susana

1May nakatira noon sa Babilonia na isang lalaking nagngangalang Joakim.

2Ang asawa niya ay si Susana na anak ni Hilkias. Si Susana ay isang babaing bukod sa napakaganda ay may takot pa sa Diyos.

3Ang kanyang mga magulang ay mga tapat na Judio at pinalaki siya ng mga iyon ayon sa Kautusan ni Moises.

4Napakayaman ni Joakim at ang bahay niya'y napapaligiran ng malawak at magandang hardin. Karaniwa'y doon nagpupulong ang mga Judio sapagkat iginagalang siya ng lahat.

5-6Iyon ang naging tanggapan ng dalawang hukom ng bayan at doon nagpupunta ang mga taong may usapin. Nang taong iyon, nahalal na hukom ang dalawang matandang pinuno, at ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa kanila: “Lumabas sa Babilonia ang kasamaan sa katauhan ng dalawang matanda na naglilingkod sa bayan bilang mga hukom.”

7Nakagawian na ni Susana ang mamasyal sa hardin ng kanyang asawa pagkaalis ng mga tao upang mananghalian.

8Sa araw-araw na pamamasyal niya doon ay nakikita siya ng dalawang pinuno at naakit ang mga ito sa kanya.

9Nagkaroon sila ng masamang hangarin sa babae. Sa kanilang pagkahibang kay Susana, tinalikuran nila ang pananalangin at kinalimutan ang kanilang tungkuling magpatupad ng katarungan sa bayan.

10Kapwa sila nag-aalab sa pagnanasa kay Susana, ngunit inililihim nila sa isa't isa ang kanilang nadarama,

11sapagkat nahihiya silang aminin ang kanilang pagnanasa.

12Kaya't buong pananabik nilang hinihintay ang gayong oras bawat araw upang makita si Susana.

13Isang araw, sabi nila sa isa't isa, “Umuwi na tayo! Oras na ng pananghalian.”

14Naghiwalay nga sila ngunit nagbalik agad upang sundan ng tingin si Susana. Hindi sinasadya'y nagkasalubong sila. Noong una'y sinikap nilang ipaliwanag ang dahilan kung bakit naroon sila, ngunit sa huli ay inamin nila ang tunay nilang nadarama. Kaya't nagkasundo silang abangan si Susana habang ito ay nag-iisa.

Tinangka ng Dalawang Hukom na Akitin si Susana

15At dumating ang pagkakataon. Gaya nang dati, si Susana ay pumasok sa hardin na kasama ang dalawa niyang katulong. Napakainit noon kaya't naisipan niyang maligo.

16Wala nang iba pang nasa hardin kundi ang nagkukubling dalawang hukom na naninilip sa kanya.

17Sinabi ni Susana sa kanyang mga katulong, “Dalhan ninyo ako ng pabango at langis ng olibo, at isara ninyo ang mga pinto para makapaligo na ako.”

18Sumunod naman ang mga inutusan. Isinara nga nila ang mga pinto ng hardin. Lumabas sila sa maliit na pinto sa tagiliran upang kunin ang kanyang kailangan. Hindi nila nakita ang nagtatagong dalawang hukom.

19Pagkaalis ng mga katulong, mabilis na lumapit kay Susana ang dalawang hukom.

20“Sarado ang mga pinto at walang makakakita sa atin,” sabi nila kay Susana. “Sabik na sabik kami sa iyo, kaya't pagbigyan mo na ang aming kahilingan.

21Kapag tumanggi ka, sasabihin naming nahuli ka namin na nakikipagtagpo sa isang binata, kaya mo pinaalis ang iyong mga katulong.”

22Litung-lito ka sa dalawa.”

56Inilayo siya roon, at ipinatawag ang kanyang kasama. Paglapit nito, sinabi ni Daniel, “Ikaw naman malupit na Canaanita na hindi mula sa angkan ni Juda. Binihag ng alindog ng babae ang iyong isip at inalipin ng kahalayan ang iyong puso.

57Alam na namin ngayon ang ginagawa mo sa kababaihan ng Israel. Tinatakot mo sila para pagbigyan ang iyong kahalayan. Subalit narito ang isang babae ng Juda na hindi kayang sikmurain ang iyong kabuktutan!

58Sabihin mo, sa ilalim ng anong puno ninyo nakita ang inyong pinagbibintangan?”

At sumagot ang matanda, “Sa ilalim ng malaking puno ng roble.”

59“Kung gayon!” sagot naman ni Daniel, “Buhay mo ang katumbas ng kasinungalingang ito, sapagkat naghihintay na ang anghel ng Diyos upang putulin ka sa pamamagitan ng espada. Sa gayon, pareho kayong mapapahamak.”

60Dahil dito, nagsigawan sa tuwa ang lahat ng naroroon at nagpuri sila sa Diyos sapagkat iniligtas niya ang mga nagtitiwala sa kanya.

61Binalingan nila ang dalawang hukom matapos patunayan ni Daniel na sila'y nagsisinungaling at nanumpa nang hindi totoo.

62HinatulanDeut. 19:16-21. silang mamatay. Ayon sa Kautusan ni Moises, ang nagparatang nang hindi totoo ay siyang lalapatan ng parusang nakatakda sa kasalanang ipinaratang niya. Naligtas nga sa kamatayan ang isang taong walang kasalanan nang araw na iyon.

63Si Hilkias at ang kanyang asawa ay nagpuri sa Diyos sapagkat napatunayang hindi totoo ang mga ipinaratang kay Susana. Gayon din ang pasasalamat ng asawa niyang si Joakim at lahat ng kanyang mga kamag-anak.

64At mula noon, si Daniel ay dinakila ng kanyang mga kababayan.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help