1Mula
6-7Kanino ipinahayag ang simula ng Karunungan,
at sinong nakakaalam ng kanyang pamamaraan?
8Iisa lamang ang talagang marunong;
dapat tayong gumalang na may paghanga sa harap ng kanyang luklukan.
9Ang
11Kung may paggalang ka sa Panginoon, magkakamit ka ng karangalan at kasiyahan,
mapuputungan ka ng tuwa at kagalakan.
12Ang magparangal sa Panginoon ay nagdudulot ng kaligayahan at tuwa,
nagkakaloob ng buhay na mahaba at maligaya.
13Ang may paggalang sa Panginoon ay sasagana sa bandang huli;
pagpapalain siya sa oras ng kamatayan.
14Ang paggalang sa Panginoon ay simula ng tunay na Karunungan;
sa sinapupunan pa ng ina'y kasama na siya ng mga tapat.
15Nanirahan siya sa gitna ng mga tao mula pa noong una
at magtitiwala sa kanya ang mga susunod na salinlahi.
16Ang may paggalang sa Panginoon ay siyang nagkakamit ng pinakamataas na Karunungan;
mag-uumapaw sa kanila ang kanyang masaganang bunga,
17pinasasagana mga kamalig.
18Ang paggalang sa Panginoon ay magandang bulaklak ng Karunungan,
na nagdudulot ng kapayapaan at kalusugan.
19Namamahagi siya ng kaalaman at ganap na pagkaunawa;
ang nagpapahalaga sa kanya ay kanyang pinaparangalan at pinagiging tanyag.
20-21AngPagtitimpi sa Sarili
22Ang marahas na galit ay laging walang katuwiran;
mapapahamak ang tao sa sandaling padala siya sa kanyang galit.
23Maghintay ka at magtimpi,
at sa huli ay hindi mo ito pagsisisihan.
24Huwag kang magsalita hanggang hindi napapanahon;
pagkatapos, igagalang ng lahat ang iyong katalinuhan.
Ang Karunungan at ang Paggalang sa Diyos25Ang Karunungan ay may magagandang aral na iniingatan,
ngunit ang makasalanan ay nasusuklam sa kabanalan.
26Sundin mo ang Kautusan, kung nais mo ng Karunungan;
ito'y masaganang ipagkakaloob sa iyo ng Panginoon.
27Ang paggalang sa Panginoon ay karunungan at kaalaman;
nalulugod siya sa matapat at mababang-loob.
28Huwag mong itatakwil ang paggalang sa Panginoon;
huwag kang dudulog sa kanya nang di tapat sa loob.
29Pag-ingatan mo ang iyong pananalita,
at huwag kang magkukunwari sa paningin ng mga tao.
30Huwag kang magmamataas,
baka ka bumagsak at sukdulang mapahiya.
Ihahayag ng Panginoon ang iyong mga lihim,
at hihiyain ka niya sa harap ng madla,
sapagkat dumulog ka sa kanya nang walang paggalang,
at ang puso mo'y puno ng pandaraya.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.
