2 Macabeo 4 - Tagalog Meaning-Based Bible (2005)(MBB05)

Si Onias ay Nanawagan sa Hari

1Si Simon, na nabanggit na noong una na siyang nagsumbong sa hari tungkol sa labis-labis na kayamanan sa templo, ay gumawa na naman ng pagmamalabis. Pinaratangan niyang si Onias ang nagbanta kay Heliodoro at siya ring pinagmulan ng sinapit nitong kapahamakan.

2Pinagbintangan niya ng paghihimagsik si Onias, na kilalang mapagkawanggawa sa lunsod, tagapagtanggol ng mga kababayan at matapat sa pagtupad ng mga utos ng Diyos.

3Naging malubha ang alitan, at ang mga tauhan ni Simon ay pumapatay na.

4Ang paglakas ng panig ng mga sumasalungat ay nadama na ni Onias, sapagkat kasabwat na rin ni Simon pati si Apolonio na anak ni Menesteo, ang gobernador ng Celesiria at Fenicia.

5Kaya't nagpunta siya sa hari, hindi upang paratangan ang mga kababayan niya kundi upang makiusap para sa kapakinabangan ng lipunan at ng bawat mamamayan.

6Naisip niyang gawin ito sapagkat kung hindi mamamagitan ang hari, tiyak niyang hindi magkakaroon ng kapayapaan sa bansa at hindi titigil si Simon sa kanyang pag-abuso.

Ang Maling Pangunguna ni Jason

7Sa ito sa bagong hari at nangakong magbibigay dito ng halagang 12,600 kilong pilak at hahanap pa siya ng ibang pagkukunan para madagdagan pa ng 2,800 kilo.

9Hindi lamang ito, nangako pa rin si Jason ng karagdagang 11,250 libra, kung bibigyan siya ng pahintulot na magtayo ng isang palaruan at bumuo ng samahan ng mga kabataang manlalaro; nais din niyang gawing mamamayan ng Antioquia ang mga taga-Jerusalem.

10Sumang-ayon ang hari. Kaya't pag-upo ni Jason bilang Pinakapunong Pari, agad niyang sinimulang akitin ang kanyang mga kababayan na umayon sa pamumuhay Griego.

11Pinawalang-saysay at pinanonood ito ng hari.

19Samantalang idinaraos ito, ang tusong si Jason ay nagpadala ng mga sugo bilang kinatawan ng samahan ng mga Judiong naging mamamayan ng Antioquia. Nagdala sila ng 22,500 librang pilak para gugulin sa paghahandog sa diyus-diyosang si Hercules. Naisipan ng mga sugo na hindi tamang gastusin ang ganito kalaking halaga para sa paghahandog,

20kaya't sa ibang bagay nila ito iniukol. Sa halip na ihandog kay Hercules, ang salapi ay ginugol nila sa pagpapagawa ng mga sasakyang-dagat na pandigma.

21Nang si Apolonio na anak ni Menesteo ay ipadala sa Egipto bilang kinatawan sa idaraos na pasinaya sa pagluklok ni Filometor bilang hari, nalaman ni Antioco na ang bagong hari ay laban sa kanyang mga patakaran. Nabahala siya, kaya't nagpunta siya sa Joppa at mula roo'y nagtuloy sa Jerusalem.

22Malugod siyang tinanggap ni Jason at ng buong lunsod na pawang may dalang sulo sa kanilang pagdiriwang. Pagkatapos ng pagdiriwang na ito, isinama niya ang kanyang hukbo at pinasok nila ang Fenicia.

Pinalitan ni Menelao si Jason Bilang Pinakapunong Pari

23Lumipas ang tatlong taon at ipinatawag ni Jason si Menelao na kapatid ni Simon. Inutusan niya itong magdala ng salapi sa hari at tuloy sumangguni dito tungkol sa ilang mahahalagang bagay.

24Pagdating sa palasyo'y ipinakilala siya sa hari, at pinapaniwala niya ito sa taglay niyang kakayahan at kapangyarihan. Inalok niya ang hari ng napakalaking halaga—10,500 kilong pilak ang kahigitan sa ibinigay ni Jason—kaya't naagaw niya rito ang pagka-Pinakapunong Pari.

25Bumalik siya sa Jerusalem taglay ang tungkuling ito na pinagtibay ng hari, ngunit wala naman siyang kakayahan; ang taglay niya'y kabagsikan at pagiging asal-hayop.

26Kaya't si Jason, na nagtaksil sa sariling kapatid ay pinagtaksilan din ng ibang tao. Sa takot niya, nagtago siya sa lupain ng mga Ammonita.

27Nagpatuloy si Menelao sa pagiging Pinakapunong Pari ngunit sinira niya ang kanyang pangako sa hari na babayaran niya ito.

28Si Sostrat na namamahala sa kuta at tagapaningil ng buwis ang naatasang maningil kay Menelao, ngunit kahit anong paniningil ni Sostrat ay walang nangyari. Dahil sa pagkukulang na ito, silang dalawa'y ipinatawag ng hari.

29Agad lumakad si Menelao at iniwan sa kanyang kapatid na si Lisimaco ang pansamantalang tungkulin ng Pinakapunong Pari. Si Sostrat nama'y lumakad din at iniwan naman ang pamamahala sa kuta kay Crates na pinuno ng mga upahang kawal sa Cyprus.

Pinaslang si Onias

30Ang mga lunsod ng Tarso at Mallo ay ibinigay ng hari sa kanyang kinakasamang si Antioquis. Sa galit ng mga mamamayan, sila ay naghimagsik.

31Nang malaman ito ng hari, hindi siya nag-aksaya ng panahon. Iniwan niya ang pamamahala ng kaharian kay Andronico, isa sa kanyang punong katiwala at nagmamadaling nagpunta sa nagkakagulong mga lunsod upang payapain ang mga tao.

32Ang pagkakataong ito'y sinamantala naman ni Menelao. Ninakaw niya ang ilang mga kagamitang ginto sa templo at ipinagmagandang-loob kay Andronico. Bago niya ginawa ito'y may mga ibang kagamitan siyang naipagbili na sa Tiro at mga karatig-lunsod.

33Nang malaman ito ni Onias, nagtago siya sa Dafne, malapit sa Antioquia at doo'y ibinunyag niya sa madla ang ginawang pagsasamantala ni Menelao.

34Sa at alang-alang sa dangal ng mga sagradong kagamitan.

49Ilan sa mga taga-Tiro ang nagalit sa pangyayaring ito; binigyan nila ng isang maringal na libing ang mga sugo.

50Dahil sa mga gahaman sa kapangyarihan, si Menelao ay nanatili sa tungkulin. Naging masama siyang higit kaysa dati, at naging utak ng kapahamakan ng mga kababayan niya.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help