Job 25 - Tagalog Meaning-Based Bible (2005)(MBB05)

Walang Matuwid sa Paningin ng Diyos

1Ito naman ang sagot ni Bildad na Suhita:

2“Makapangyarihan ang Diyos dapat siyang igalang;

naghaharing mapayapa sa buong sangkalangitan.

3Ang kanyang mga anghel ay hindi mabibilang,

lahat ay nasisikatan ng kanyang kaliwanagan.

4Maaari bang maging matuwid ang tao sa paningin ng Diyos?

Sa harapan ng Maykapal siya ba'y dalisay nang lubos?

5Para sa Diyos, ang buwan ay walang ningning,

at ang mga bituin ay marumi sa kanyang tingin.

6Gaano pa ang tao na isa lamang hamak na uod,

may halaga kaya siya sa paningin ng Diyos?”

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help