2 Timoteo 2 - Tagalog Meaning-Based Bible (2005)(MBB05)

Ang Mabuting Kawal ni Cristo Jesus

1Kaya nga, anak ko, magpakatatag ka sa tulong ni Cristo Jesus.

2Ang mga narinig mo sa akin sa harap ng maraming saksi ay ituro mo rin sa mga taong mapagkakatiwalaan at may kakayahang magturo naman sa iba.

3Makibahagi ka sa hirap tulad ng isang mabuting kawal ni Cristo Jesus.

4Ang isang kawal ay hindi nagiging abala sa mga bagay na walang kaugnayan sa pagiging kawal; sa halip, sinisikap niyang mabigyan ng kasiyahan ang kanyang pinuno.

5Ang isang manlalaro ay hindi maaaring manalo kung hindi sumusunod sa mga alituntunin ng laro.

6Ang magsasakang nagtatrabahong mabuti ang siyang dapat munang makinabang sa bunga ng kanyang pinaghirapan.

7Isipin mong mabuti ang sinasabi ko sa iyo at ipapaunawa sa iyo ng Panginoon ang lahat ng ito.

8Alalahanin mo si Jesu-Cristo, ang muling binuhay at nagmula sa angkan ni David. Ito ang Magandang Balitang ipinapangaral ko,

9at siya ring dahilan ng aking pagdurusa at pagkabilanggo na parang isang kriminal. Subalit hindi kailanman maibibilanggo ang salita ng Diyos.

10Pinapagtiisan ko ang lahat ng bagay alang-alang sa mga hinirang ng Diyos upang magkaroon sila ng kaligtasan at walang hanggang buhay na mula kay Cristo Jesus.

11Totoo ang kasabihang ito:

“Kung tayo'y namatay na kasama ni Jesu-Cristo,

mabubuhay din tayong kasama niya.

12Kung

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help