Mga Awit 128 - Tagalog Meaning-Based Bible (2005)(MBB05)

Ang Bunga ng Pagsunod kay YahwehIsang Awit ng Pag-akyat upang Sumamba.

1Mapalad ang bawat tao na kay Yahweh ay may takot,

ang maalab na naisi'y sumunod sa kanyang utos.

2Kakainin niya ang bunga ng kanyang pinaghirapan,

ang taong ito'y maligaya't maunlad ang pamumuhay.

3Sa tahanan, ang asawa'y parang ubas na mabunga,

at bagong tanim na olibo sa may hapag ang anak niya.

4Ang sinuman kung si Yahweh buong pusong susundin,

buhay niya ay uunlad at laging pagpapalain.

5Mula sa Zion, pagpapala nawa ni Yahweh ay tanggapin,

at makita habang buhay, pag-unlad ng Jerusalem;

6ang magiging iyong apo, nawa iyong makita rin,

nawa'y maging mapayapa itong bayan ng Israel!

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help