Ang Mangangaral 1 - Tagalog Meaning-Based Bible (2005)(MBB05)

Walang Kabuluhan ang Lahat

1Ito ang mga katuruan ng Mangangaral, ang anak ni David na hari ng Israel.

2“Napakawalang kabuluhan! Napakawalang kabuluhan; lahat ay walang kabuluhan,” sabi ng Mangangaral.

3Nagpapakapagod ka nang husto sa pagtatrabaho sa mundong ito.

Ngunit para saan ba ang mga pagpapagod na ito?

4Patuloy ito'y tulad lang ng paghahabol sa hangin.

15Hindi na maitutuwid ang baluktot at hindi na maibibilang ang wala.

16Sinabi1 Ha. 4:29-31; Ecc. 47:14-18. ko sa aking sarili, “Ang karunungan ko'y higit sa sinundan kong mga hari ng Jerusalem. Alam ko kung ano ang tunay na karunungan at kaalaman.”

17Pinag-aralan kong mabuti ang pagkakaiba ng karunungan at ng kamangmangan, ng katalinuhan at ng kabaliwan. Ngunit napatunayan kong ito rin ay tulad lang ng paghahabol sa hangin.

18Habang lumalawak ang karunungan ay dumarami ang alalahanin, at habang dumarami ang nalalaman ay lalong tumitindi ang kapighatian.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help