Jeremias 10 - Tagalog Meaning-Based Bible (2005)(MBB05)

Ang Pagsamba sa Diyus-diyosan at ang Tunay na Pagsamba

1Mga anak ni Israel, pakinggan ninyo ang ipinapasabi ni Yahweh.

2Ang sabi niya,

“Huwag ninyong tutularan ang ginagawa ng ibang mga bansa;

o mabahala sa nakikitang mga tanda sa kalangitan,

na labis nilang kinatatakutan.

3Ang dinidiyos nila'y hindi maaasahan.

Isang punongkahoy na pinutol sa gubat,

inanyuan ng mga dalubhasang kamay,

4at pinalamutian ng ginto at pilak.

Idinikit at pinakuan upang hindi mabuwal.

5Ang mga diyus-diyosang ito'y tulad sa panakot ng ibon sa gitna ng bukid,

hindi nakakapagsalita;

pinapasan pa sila

sapagkat hindi nakakalakad.

Huwag kayong matakot sa kanila

sapagkat hindi sila makakagawa ng masama,

at wala ring magagawang mabuti.”

6Wala nang ibang tulad mo, O Yahweh;

ikaw ay makapangyarihan,

walang kasindakila ang iyong pangalan.

7SinoAwit ng Pagpupuri sa Diyos

12Nilikha ni Yahweh ang lupa sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.

Lumitaw ang daigdig dahil sa kanyang karunungan,

at iniladlad niya ang langit sa bisa ng kanyang kaalaman.

13Pagkarinig sa kanyang utos, umugong ang mga tubig sa kalangitan;

napagsama-sama niya ang mga ulap mula sa lahat ng hangganan ng lupa.

Nagagawa niyang pakislapin ang kidlat sa gitna ng ulan,

at nagpapaihip sa hangin mula sa kublihan nito.

14Sa harapan niya ang bawat tao'y mistulang mangmang;

malalagay sa kahihiyan bawat panday

sapagkat ang ginawa nilang mga diyus-diyosan ay hindi totoo at walang buhay.

15Sila'y walang silbi sapagkat likha lamang ng pandaraya;

wawasakin silang lahat ni Yahweh.

16Ngunit hindi ganito ang Diyos ni Jacob;

siya ang maylikha ng lahat ng bagay;

at pinili niya ang Israel upang maging kanyang bayan.

Yahweh ang kanyang pangalan, ang Diyos na Makapangyarihan

sa lahat.

Ang Darating na Pagkabihag

17“Mga taga-Jerusalem na napapaligiran ng kaaway, ipunin ninyo ang inyong mga ari-arian.

18Palalayasin na kayo ni Yahweh at ipapatapon sa ibang lupain. Pahihirapan kayong lahat hanggang sa walang matira.” Ito ang sabi ni Yahweh.

19At dumaing naman ang mga taga-Jerusalem,

“Napakatindi ng parusa sa amin!

Hindi gumagaling ang aming mga sugat.

Akala namin, ito'y aming matitiis.

20Ang aming mga tolda ay nawasak;

napatid na lahat ang mga lubid.

Ang aming mga anak ay naglayasang lahat,

walang natira upang mag-ayos ng aming tolda;

wala isa mang magsasabit ng mga kurtina.”

21At sumagot si Jeremias, “Ang aming mga pinuno'y pawang mga hangal;

hindi sila sumangguni kay Yahweh.

Kaya hindi sila naging matagumpay,

at ang mga tao'y nagsipangalat.

22Makinig kayo! May dumating na balita!

Nagkakagulo sa isang bansang nasa hilaga;

ang kanilang hukbo ang pupuksa sa mga lunsod ng Juda,

at ito'y magiging disyerto, tahanan ng mga asong-gubat.”

23Nalalaman ko po, Yahweh, na walang taong may hawak ng sarili niyang buhay;

at walang nakakatiyak ng kanyang sasapitin.

24Ituwid mo ang iyong bayan, O Yahweh;

ngunit huwag naman sana kayong maging marahas.

Huwag kaming parusahan sa panahong kayo'y napopoot;

na siyang magiging wakas naming lahat.

25Ibaling mo ang iyong poot sa mga bansang ayaw kumilala sa iyo

at sa mga taong hindi tumatawag sa iyong pangalan.

Pinatay nila ang mga anak ni Jacob;

at winasak ang kanilang lupain.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help