Isaias 17 - Tagalog Meaning-Based Bible (2005)(MBB05)

Paparusahan ng Diyos ang Damasco at ang Israel

1Ganito noong dumating ang mga Israelita.

10Kinalimutan ninyo ang Diyos na nagligtas sa inyo,

at hindi na ninyo naaalaala ang Bato na inyong kanlungan,

sa halip, gumawa kayo ng mga sagradong hardin

na itinalaga ninyo sa isang diyus-diyosan,

sa paniniwalang pagpapalain niya kayo.

11Ngunit kahit tumubo man ang mga halaman

at mamulaklak sa araw na inyong itinanim,

wala kang aanihin pagdating ng araw

kundi pawang sakuna at walang katapusang kahirapan.

Tatalunin ang mga Kaaway na Bansa

12Ang ingay ng napakaraming tao

ay parang ugong ng karagatan.

Rumaragasa ang mga bansa

na parang hampas ng mga alon.

13Nagkakaingay ang mga bansa na tulad ng daluyong ng tubig,

ngunit pinigil sila ng Diyos, at sila'y tumakas,

parang alikabok na inililipad ng hangin sa ibabaw ng burol

at dayaming tinatangay ng ipu-ipo.

14Sa gabi'y magsasabog sila ng sindak

ngunit pagsapit ng umaga'y wala na sila.

Ganyan ang mangyayari sa mga umaapi sa atin,

iyan ang sasapitin ng mga nagnakaw ng ating mga ari-arian.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help