Mga Awit 75 - Tagalog Meaning-Based Bible (2005)(MBB05)

Diyos ang Siyang HuhusgaIsang Awit na katha ni Asaf upang awitin ng Punong Mang-aawit.

1Salamat, O Diyos, maraming salamat,

sa iyong pangalan kami'y tumatawag,

upang gunitain sa lahat ng oras ang mga gawa mo na kahanga-hanga.

2Wika ng Panginoon, “Sa takdang panahon,

walang pagtatanging ako ay hahatol.

3Itong mundong ito'y kahit na mayanig,

maubos ang tao dito sa daigdig,

ang saligan nito'y aking ititindig.” (Selah)

4“Sabi ko sa hambog sila ay mag-ingat, at ang masasama'y huwag magpasikat.

5Ang pagmamalaki'y dapat na iwasan, kung magsasalita'y gawing malumanay.”

6Hindi sa silangan, hindi sa kanluran,

hindi rin sa timog o sa hilaga man magmumula, hatol na inaasahan.

7Tanging Diyos lamang ang siyang hahatol,

sa mapapahamak o sa magtatagumpay.

8Si Yahweh na Diyos ay may kopang hawak,

sariwa't matapang yaong lamang alak;

ipauubaya niyang ito'y tunggain

ng taong masama, hanggang sa ubusin.

9Subalit ako ay laging magagalak;

ang Diyos ni Jacob, aking itataas.

10Lakas ng masama'y papatiding lahat,

sa mga matuwid nama'y itataas!

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help