Mga Awit 9 - Tagalog Meaning-Based Bible (2005)(MBB05)

Pasasalamat sa Diyos Dahil sa Kanyang KatarunganKatha ni David upang awitin ng Punong Mang-aawit: ayon sa tono ng Muth-labben.

1Pupurihin kita Yahweh, nang buong puso ko,

mga kahanga-hangang ginawa mo'y ipahahayag ko.

2Dahil sa iyo, ako ay aawit na may kagalakan,

pupurihin kita, O Diyos na Kataas-taasan.

3Makita ka lang ay umuurong na ang aking mga kaaway,

sila'y nabubuwal at namamatay sa iyong harapan.

4Patas at makatarungan ka sa iyong paghatol,

matuwid kong panig ay iyong ipinagtanggol.

5Binalaan mo ang mga bansa, nilipol ang masasama;

binura mo silang lahat sa balat ng lupa.

6Ang mga kalaban nami'y naglaho nang lubusan,

ang kanilang mga lunsod, iyo nang winakasan,

at sa aming alaala'y nalimot nang tuluyan.

7Ngunit si Yahweh ay naghaharing walang putol,

itinatag niya ang kanyang trono para sa paghahatol.

8Pinapamahalaan niya ang daigdig ayon sa katuwiran,

hinahatulan niya ang mga bansa ayon sa katarungan.

9Si Yahweh ang takbuhan ng mga pinahihirapan,

matibay na kanlungan sa oras ng kaguluhan.

10Nananalig sa iyo Yahweh, ang kumikilala sa iyong pangalan,

dahil wala pang lumapit sa iyo na iyong tinanggihan.

11Kay Yahweh na hari ng Zion ay umawit tayo ng papuri,

sa lahat ng bansa ang ginawa niya'y ipagbunyi!

12Inaalala ng Diyos ang mga nahihirapan,

mga karaingan nila'y di niya nakakalimutan.

13O Selah)

17Sa daigdig ng mga patay doon sila matatapos,

pati ang lahat ng bansang nagtakwil sa Diyos.

18Hindi habang panahong pababayaan ang dukha;

hindi na rin mawawala, pag-asa ng maralita.

19Huwag mong tulutan, Yahweh, na labanan ka ng mga tao!

Tipunin mong lahat ang mga bansa at sila'y hatulan mo.

20Takutin mo, O Yahweh, ang lahat ng bayan,

at iyong ipabatid na sila'y tao lamang. (Selah)

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help