Ecclesiastico 24 - Tagalog Meaning-Based Bible (2005)(MBB05)

Papuri sa Karunungan

1Ito ang papuri na isinalaysay ng Karunungan tungkol sa kanyang sarili,

2sa kapulungan ng Kataas-taasang Diyos, ipapahayag niya,

sa harap ng mga anghel magpupuri siya.

3“Nanggaling ako sa bibig ng Kataas-taasang Diyos,

at parang ulap na lumukob ako sa ibabaw ng lupa.

4Ang

at nanariwang gaya ng rosas sa Jerico.

Doon ay lumago akong tulad ng olibo sa kabukiran,

at tulad ng isang malaking puno ay lumaki ako.

15Humalimuyak ang aking bango tulad ng kanela,

gaya ng balsamo at mamahaling mira,

tulad ng galbano, astakte o onica,

parang usok ng insenso na pumapailanlang sa tahanang banal.

16Yumabong ang aking mga sanga gaya ng ensina,

madadahon at magaganda.

17-18Tulad ng punong-ubas, nakatutuwa ang aking mga usbong;

at ang bulaklak ko'y namunga ng dangal at kayamanan.

19Lumapit kayong lahat, kayong nananabik sa akin,

at magpakabusog kayo sa aking mga bunga.

20Sapagkat ang pag-alala ninyo sa akin

ay matamis pa kaysa pulot na galing sa bahay-pukyutan.

21Kainin ninyo ako't inumin,

at hihingi pa uli kayo.

22Ang sumusunod sa akin ay hindi mapapahiya,

ang tumutupad ng aral ko ay di magkakasala.”

Ang Karunungan at ang Kautusan

23-24Ang karunungan ay ang Kautusan,

ang Kautusan na ipinatutupad sa atin ni Moises, ang tipan ng Kataas-taasang Diyos,

ang mana ng sambayanan ng Israel.

25Sa Kautusan nagmumula ang Karunungan, umaapaw na gaya ng Ilog Pison,

tulad ng Tigris sa panahon ng unang pamumunga.

26Sa Kautusan bumubukal ang pang-unawa, umaagos na gaya ng Ilog Eufrates,

tulad ng Ilog Jordan sa panahon ng tag-ani.

27Sa Kautusan bumubukal ang mabubuting aral, gaya ng Ilog Nilo,

tulad ng Ilog Gihon sa panahon ng pamimitas ng ubas.

28Kung paanong hindi lubos na maunawaan ng unang tao ang karunungan,

wala pa ring makatatarok sa kanya hanggang sa wakas.

29Sapagkat malawak pa kaysa karagatan ang kanyang kaisipan,

malalim pa kaysa kalaliman ang kanyang mga payo.

30Ang tulad ko'y isang kanal ng patubig,

na umaagos mula sa ilog patungo sa isang halamanan.

31Sinabi ko noon: Didiligin ko ang aking halamanan,

at titigmakin ko ang aking mga taniman;

at ngayon, ang aking kanal ay naging ilog,

at ang aking ilog ay naging dagat.

32Ihahanay kong muli ang mabuting aral, maliwanag na parang bukang-liwayway

upang kumalat ang liwanag niya hanggang sa malayo.

33Palalaganapin kong muli ang mabuting aral,

na parang isang pahayag, mula sa Diyos

upang maging pamana sa mga susunod na salinlahi.

34Ang pagpapagal ko'y hindi para sa akin lamang,

kundi para sa lahat ng naghahangad ng Karunungan.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help